Sa lalaking naghanap ng iba: Tinanggap kita ng buong puso; Itinanim ko lahat ng sinabi mo sa aking puso’t isipan gaya ng ginagawa ko kay RFBT (Law). Inintindi at minahal kita na parang TAXATION. At nung FAR ka na ay minahal kita at pinagkatiwalaan. Lumipas ang mga araw at sinabi mong di muna tayo mag-uusap. Sabi mo hanapin mo ang sarili mo, un pala nakahanap ka na ng iba. Naging AFAR ka na at hanggang basa o tingin ka na lang sa mga chat messages ko. Ngaun ko lang naisip na di ko man lang naalala si AUDITING nung tayo pa dahil sa pagmamahal at tiwala ko sau. MAS mahal mo pala ung kakikilala mo lang kesa sa akin. Ayaw sana kitang i-drop at gusto ko na ma-maintain ang relationship natin pero huli na ang lahat…dahil may mahal ka ng iba! Napakasakit! Naiinis ako sayo pero kailangan kong tanggapin ang mga desisyon mo dahil mahal kita…. Kahit na nasayang ang oras at effort, pasalamat pa din ako sayo. Salamat sa mga panahong anjan ka para sa akin. Salamat din pala sa mga gifts mo sa akin… Salamat dahil napangiti, napatawa mo ako nung nalulungkot ako… Gaanu man kahirap ang pinagdadaanan ko ngayon, wag kang mag-alala at di na kita guguluhin pa. MAGPAKASAYA KA!
“Ampalaya” by Amable Belleza










