CCP Elias calling Basilio, "Anak"
ELIAS
Paano na ngayon?
BASILIO
Hindi ko po alam. Matutulungan po ba ninyo ako?
ELIAS
Pagmasdan mo ‘ko, anak. Hindi ako halos makatayo. Sugatan ako at dalawang araw akong hindi kumakain o natutulog. Mayroon bang dumating dito ngayong gabi, maliban sa’yo?
BASILIO
Wala ho. Kadarating ko lang. Kailangan mailibing natin siya!
ELIAS
Alam ko. Makinig ka sa’kin. Hindi na rin ako magtatagal pa. Nakikita mo ba ang malaking puno sa may batis doon? (Basilio nods) May malaking salangsang ng kahoy do’n. Ibunton(?) mo rito, at ipatong mo ang mga bangkay namin ng iyong ina. Pagkatapos ay siklaban(?) mo. Kung maari, hintayin mo kaming maging abo.
BASILIO
Hindi ko ho magagawa ‘yon!
ELIAS
Makinig ka, sabi! Hindi mo maiiwan ang ina mo dito upang mabulok at hindi mo siya mabubuhat hanggang sementeryo. Unawain mo ito.
ELIAS
Nag-iisa ka na, walang tutulong sa’yo. Kailangan matuto kang pangalagaan ang iyong sarili. Tiyakin mo munang walang makakita sa’yo rito. Bumalik ka mga dalawa o tatlong gabi mula ngayon. Sumukat ng mga lablinlimang hakbang mula sa likod ng punong iyon. Tandaan mo, labinlimang hakbang. Mayroong isang tuyong halamang nakatayo doon. Bunutin mo, pagkatapos humukay ka. May makikita kang isang sakong salapi at alahas. Ikaw na ngayon ang magiging taga-tago noon. Kung matalino ka, gagastusin mo lamang ang iyong kailangan upang makapag-aral at makapagsimula ng buhay na makabuluhan. Mauunawaan ‘yon ng may-ari, kung siya’y buhay pa.
BASILIO
Pamilya ba ‘yon ng lalakeng nakalibing dito?
ELIAS
‘Wag ka nang mag-aksaya ng panahon pa, anak. Matatapos ang buhay ko nababalot pa rin sa dilim. Nawa’y tulungan ng Diyos ang makakita sa liwanag ng pagbubukang-liwayway. Sana…