Dalawang linggo mula nang ma-ere itong pelikulang ito sa takilya. Dalawang lunggo na rin mula nang maisip ko kung panonoorin ko ba ito o hindi. Subalit mas nanaig sa akin ang kuryosidad kaya mas pinili kong panuorin. Di naman kasi ako mahilig manood ng mga pelikula, kumbaga pinipili ko at talagang mabibilang sa daliri ang mga panahong lumabas ako upang manood sa sinehan. Sa unang suma, akala mo ang pelikulang ito ay puro kabastusan lang, murahan at walang aral na mapupulot, pero nagkamali ako. Mali ang aking panghuhusga. Ilang ulit niya akong pinatawa, pinakilig at higit sa lahat bumaon sa dibdib ko yung mga katagang binitiwan ng karakter ni Ateng @kimsmolina at sinusumpa kong hahagulgol ka sa panonood nito. Ang mga karaniwang pelikulang Pinoy ay yari sa pag-ibig. Tipikal na dalawang taong nagmamahalan. Pero iba ito, hindi lang ito patungkol sa dalawang taong nagmamahalan o sa iisang tao na naghahanap ng pagmamahal. Napakaraming aral sa buhay ang itinuturo ng pelikulang ito na sa tingin ko ay totoo at napapanahon. Ang minsang akala natin wala, matagal na palang nandiyan. Bulag lang tayo dahil may sarili tayong paniniwala. Ang kaligayahan ay hindi nasusukat sa pagkakaroon ng taong makakasama mo sa kama. Kundi, ang kigayahan ay makikita natin sa iba't-ibang bagay, anyo at hindi lamamg sa iisang tao. May mga pagkakataon na nagsasara ang mga pinto sa atin, pero sa bawat nagsasarang pinto may panibagong magbubukas. Para sa mga naghahanap ng tunay na pag-ibig, may nakalaan para sa atin. Maghintay at magdasal. May tamang panahon para sa lahat. Madalas, yung mga bagay na di mo inaasahan na dumarating sa iyo ay siya namang matagal nang hinihiling nang iba. Ang pelikulang ito ay malugod kong nire-rekomenda para sa lahat ng gustong matuto sa buhay. Tawa, kilig at iyak ang daranasin niyo. Natuto ako, tumawa at umiyak. Salamat @vincentimentsofficial at kay Direk #darylyap sa isang obrang hindi matatawaran ng dalawang daang piso. Uulit-ilitin ko ang pelikulang ito. PS: sa lahat ng manunood, huwag kalimutan ang tisyu!❤️ Photo credits to @vincentimentsofficial (at SM City Cauayan) https://www.instagram.com/p/B3Pe9VlHQ6C/?igshid=i9pu1fo9o5s8











