Oh how you want it
You're begging for it
But you can't have it
Even if you try
It's in the clutches
In the hands of
This brutal love
This is me and my fucked-up mind talking to you, Tumblr. Again.
And how crazy this is, happening on the day before my birthday. Parang tanga lang. Nanuod lang ako ng How To Be Single naging ganito na ko ka-gaga. Ang nakakainis pa dun, biglang lumawak na naman yung pag-iisip ko. Sa lahat ng bagay. Naging eye opener para sakin yung movie.
Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, sobrang weird. Siguro nga, dumating na ko sa point na hindi ko na minamahal yung sarili ko. Kasi kung anu-ano hinahanap ko, kung anu-ano nararamdaman ko. Nagha-halo-halo na lahat. Kaya wala na kong maibigay. Lagi ko tinatanong sa sarili ko, “bakit parang nawala bigla yung extremes, bakit hindi ko na maramdaman yung dapat dinadamdam ko ng todo?” Pati nga sa EK, di ko maramdaman yung “grabe!” feeling. Sinasabi ko, oo, pero di ko nararamdaman. Parang pinapaniwala ko yung sarili ko sa kalokohan na meron pang feelings yung buhay kong katawan.
Hindi na ko makaramdam ng pagmamahal, ng attachment. Maaaring sinasabi ko, pero hindi ko maramdaman. Walang walang wala akong maramdaman. I need help.
Pero siguro, kung may magandang bagay kayong gustong marinig--oo, umiiyak parin ako. Hindi dahil sa nakaraan o sa takot sa hinaharap. Iniiyakan ko yung sarili kong nabubuhay sa kasalukuyan. Kasi nakaka-awa siya. Kasi wala na siyang feelings. At hindi niya alam kung paano mababawi ‘yon. Pati nga sa puntong ‘to feeling ko napakawalang kwenta ng mga luha ko e. Parang, bat pa ‘ko umiiyak, wala namang saysay.
Gusto ko na namang sumuko. This time, sa sarili ko na talaga. Hindi sa kahit anong bagay. Nawawalan na ko ng pag-asa sa sarili ko na keri ko pang mahalin ang sarili ko. I could not expect anyone to do this for me, kasi siyempre ako lang naman ang makakalunas sa sarili ko sa aspetong ‘to, di ba?
Kaya, sorry. Sa lahat ng taong nasaktan, nasasaktan, o masasaktan ko pa kasi ang laki ng problema ko sa sarili ko.
-R. Hoping for better days. And more tomorrows.