Nung pag-gising ko, ang daming pumasok sa isip ko...
Hindi kasi ako sigurado na masusuklian ko lahat ng binibigay mo... Ayokong masira yung pagkakaibigang nabuo natin. Hindi ako sigurado kung saan patungo itong ginagawa natin. Yun pala yung dahilan kung bakit ako kinakabahan.
Yung feeling na gusto kita... pero yung pagka-gusto na iyon, kahit na sobra-sobra pa, hindi niya mararating o maaabot yung stage ng nag-uumapaw na pagmamahal. Mahal mo ako... pero ako, gusto kita. At magkaibang-magkaibang bagay yung dalawang yun.
Gusto ko na munang mamuhay nang mag-isa at independent. Yun na lang muna siguro. Masaya akong nandito ka sa buhay ko... kailangan ko lang muna talaga ng space para sa sarili ko...
Sorry. Ayaw ko kasi yung feeling na may nagsasabi sa akin ng mahal kita tapos pinag-iisipan ko pa yung isasagot ko.
Ma-pride akong tao. Sana maunawaan mo na hindi ko matatanggap pag may narinig ako negative comments na "ang landi naman niyan, pati bestfriend ng ex niya pinatulan niya",etc. Gusto ko munang dumaan sa tuwid na daan.
Hindi ko sinasabing ayaw ko sayo... pero pwede pa rin naman tayong manatili sa buhay ng isa't isa eh. Nandito lang naman ako para sayo. Makikinig sa problema mo, papangitiin ka pag nakasimangot ka.
Mas mabuti muna siguro kung magkaibigan na lang muna tayo. Pinipili ko lang kung saan tayo mas magtatagal.
Everything will fall in place at the right time.
At sa ngayon masasabi kong hindi pa ito ang oras para sa ating dalawa. At isa pa,takot pa rin siguro akong mahulog ulit.
Wag kang iiyak ha? Sana maunawaan mo kung bakit ko ginagawa to. At least ngayon, sure na ako. Kaysa naman patagalin ko pa tapos saka ko sasabihin tong mga ito... Gusto talaga kita. Pero hindi katulad ng pagtingin mo sa akin.