Pagkawala sa dibisorya
Isinulat ni :Roxanne MCV (surealismo) Huy, asan na tayo? Hahhahaha Tanong ko, di niya na ko nilingon kaya natawa nalang ako. Akala niya direksyon sa dibisorya ang tinatanong ko- dun sa bilihan ng murang damit na paborito kong puntahan, pero parati kong nakakalimutan dahil alam kong nanjan siya .. Kabisado niya naman eh. Tinulungan niya kong makabisado ang pasikot sikot sa dibisorya, kasunod nun ay ang pagbitaw niya sakin. Asan na tayo? Di niya ko binibitawan noon, kahit ata nakapikit ako alam kong hawak niya ko, di ako mawawala. Di niya na ata ako marinig kasi kapaskuhan na at ang daming tao , maingay at siksikan pa. Pero teka bakit kahit anong sigaw ko di niya na ko nilingon..hahhaha. Michael!.. Michael nasan na tayo?!!..Namamaos na ko. Michael! Michael! nawawala na ko sa agos ng tao. Alam kong hindi na ako naliligaw sa lugar na to. Pero asan na , may nawawala sakin. May nagnakaw ata , o nabitawan ko o baka nawala na lang talaga. Lumingon ka naman! Nasan na? Nasan na tayo?! Palayo ka na ng palayo, habang ako nakatayo , nababangga, umaambon na pero yung ulap nasa mata ko lang ata. Tulungan mo naman ako uli gaya ng dati? May nawawala kasi sakin.Pwede bang tulungan mo naman ako ngayon, alam kong ang tanga ko kasi parati nalang ganito, pero kabisado ko naman na talaga, maniwala ka. Di ko lang alam kung nasaan na ngayon kaya ngayon kailangan ko uli ng tulong … Kahit lingon lang tulungan mo ko. Tulungan mo ko na hanapin ang kulang na mga daliri sa espasyo ng mga daliri ko. Balat mong malagkit na nagdidikit sa atin at ang pawisan mong kamay sa tuwing nawawala ako. Akala ko di na ko mawawala sa lugar na to, pero nawala ako ng simula ng iniwan mo ko.






