Iyak-Tawa
Halakhak na di mapawi, Tuwang katangi-tangi. Sa mga labi namumutawi Mga hikbi ng tawang tinitingi.
Walang sawang harutan parang batang naglalaro sa palaruan walang tigil na kulitan kahit na sa ilalim nang ulan.
Ganito ang napapala sa tuwing kasama ka. Biglang napaisip sana pala... hanggang ngayon katabi ka.
Nagdaan ang mga araw nagaantay nang bulalakaw gustong humiling na sana balang araw paggising ang masilayan ay ikaw Dumating ang isang gabi, nabuhayan akong muli naaninag sa isang tabi nasilayan kang muli Gustong tawagin sa iyong ngalan Ngunit walang letrang naglalabasan may nadamang pagaalinlangan ang pusong noo'y nilisan.
Hanging malamig humampas habang oras ay lumilipas anino mong unti-unting kumukupas hanggang pagkakatao'y umalpas














