017: SP!!! ♥
Oh my god it's the last lesson! ;__; And it's the one I love the most - a topic that has its own little place in my heart. Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology).
I am currently (oh god!) the president (OH GOD!) of the only SP-based org in our university. This is, however, more the effect than the cause of my love for SP. And now it feels really gross of me to speak in English, even if I am on Tumblr. So for this entry I'll be slipping back into my mother tongue. Kasi sa ganitong paraan naman talaga dapat tinatalakay ang SP. :)
Inilikha ang SP bilang pagtugon sa pangangailangan ng isang sikolohiyang sumsalamin at tumutugon sa pangangailangan ng masang PIlipino. Sino ang Pilipino, tanong ng marami - at madalas mababaw ang sagot. Ang Pilipino ang nagta-Tagalog, nagtuturo ng lugar gamit ang nguso, mayroong letrato ng The Last Supper sa hapag-kainan. Pero ito nga ba ang Pilipino? Sa mas-teknikal na banda, ang Pilipino ay siyang Pilipino batay sa konstitusyon. Sa mas malalim na antas, ang Pilipino ang siyang kumikilala sa kultura, karanasan, wika, kasaysayan, at oryentasyong PIlipino. Sa anyo pa lang ng bansa, kitang kita nang iba't iba ang mga ito. Nangangahulugan bang dahil dito ay may "identity crisis" ang bansa? Hindi, pero para sa mga dayuhan, oo.
Napamahal talaga ako sa SP dahil ito ang sikolohiyang kumikilala sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino - sikolohiyang nagbibigay halaga sa ating mga pinapahalagahan bilang Pilipino, maging kapwa man ito o hindi. Ang SP ay isang paraan upang mas makilala natin ang ating sarili at, kaakibat nito, pagbutihin ang ating sarili. Minsan kahit tayo mismo ay nagbubulag-bulagan sa ating mga pagkukulang at pagkakamali bilang bansa, at sa tingin ko'y nakakatulong SP upang ibalik sa atin ang ating galing bilang bansa, at pati na rin ang mga pwede pa nating ayusin.
Ayon sa natalakay sa klase, mayroon tayong dalawang mukha: ang accomodative at confrontative nating mukha. Sa totoo lang, sa ngayon, bagamat mga dayuhan ang nagsabi nito, mas papanigan ko ang accomodative nating pag-uugali dahil dito nabibilang ang halaga ang pakikitungo at kapwa. Nakikita ko ito sa buhay ko - at isa rin iyan sa mga talaga minamahal ko tungkol sa SP. Ang SP hindi lang isang disiplina - isa rin itong protesta. Protesta hindi sa anyo ng palagiang pakikibaka o pakikipag-away, kung protesta sa anyo ng paggawa ng paraan upang makamit ang pagbabago. Kinakailangan ito. Ang mga sikolohista, na madalas nakikita bilang tumututok lamang sa kanilang torre imbes na lumubog sa lipunan, ay kinakailangang tugunan ang ganitong sitwasyon sa lipunan.
Sana talaga mas tinalakay ang SP sa klase. Natuwa rin ako sa diskusyon tungkol sa mga pagkukulang nito bilang disiplina - ang pagiging masyadong Luzon-centric nito, pagiging Tagalog-centric, pagkululang sa larangan ng pananaliksik, at iba pa. Mahalaga sa puntong ito ng buhay ng SP na maging kritikal ang mga tao - lalo na ang mga sumusulong dito - sa kanya, upang siya'y lumago pa at maging mas mabisang paraan ng pagtugon sa mga mamamayan ng Pilipinas.
Wala pa siguro itong kalahati ng mga nararamdaman ko para sa SP ngunit talaga inaantok na'ko at pagod na ang aking utak. Sadyang wala na akong espasyo. Baka magsulat pa'ko muli, pero sakaling hindi, ito ang ilang tanong na sa tingin ko'y magandang isipin tungkol sa SP:
- Kung pinapahalagahan ng SP ang konteksto, at ang konteksto ay laging nagbabago, paano nagkakaroon ng stable na basehan ang SP sa simula't sapul pa?
- Kung magbago ba ang estado ng lipunan - halimbawa, hindi na nakararami ang marginalized, oppressed, at powerless - magbabago din ba ang mga prinsipyong pinanghahawakan ng SP?
- Paano magkakaintindihan ang mga sumusulong ng SP kung, kunyari, magkakaiba sila ng wika?
- Kaakibat nito, paano kung ang sinasabing core concept ng SP, ang kapwa, ay wala sa bokabyularyo ng ibang katutubong wika, nangangahulugan bang hindi na ito ang core value talaga ng SP? Kahit sabihin pang pamilyar ang ibang rehiyon sa Tagalog, hindi pa rin nila kinalakhan ito.
- Posible ba talaga, kahit pa gamitin ang prinsipyo ng universality through particularism, na magkaroon ng pang kabuuang letrato o pananaw ng mga PIlipino? Paano ito makakamit?











