[CBPH] Drabble #12
Fanart #5 by @exolefirstclass /exobubz
Drabble #12
Buong-buo by Anonymous
Babala: Tagalog. Mahalin ang sariling atin. Hihi. May mga salitang hindi naayon para sa minor de edad.
Buod: Ni minsan ay hindi kinwestyon ni Chanyeol ang pagmamahal sa kanya ni Baekhyun. May mga pagkakataon nga lang na mas kinakain siya ng selos.
Tapos nang maligo si Baekhyun at kanyang sinasara ang bathrobe na nakahanda sa kwarto. Nakita niyang naka-upo si Chanyeol sa dulo ng kanilang kama na nagpapatuyo ng buhok. Lumapit siya at naisipang tulungan ito. Marahan niyang ipinatong ang kanyang mga kamay sa tuwalya na nasa ulo ni Chanyeol. Wala pang isang segundo ng kanilang pagkakadikit ay tumayo at naglakad palabas ng kwarto si Chanyeol.
“Chanyeol.”, tawag ni Baekhyun. Hindi naman tumigil si Chanyeol at patuloy na naglakad papunta sa maliit na salas ng kanilang kwarto.
Kanina pa ganito si Chanyeol. Walang kibo at hindi pinapansin si Baekhyun. Mayroong ideya si Baekhyun sa kung bakit ganito umasta si Chanyeol ngunit hindi siya sigurado.
“Chanyeol. Chanyeol ano ba! Kinakausap kita.”
“At ikaw pa ang may ganang sumigaw?”
Hindi naman talaga sumisigaw si Baekhyun, malakas lang ang boses.
“Hindi ka kasi nakikinig. Baka kasi nabingi ka na.”
“Hindi mo ba naisip na baka ayokong makipag-usap sayo?”
Patuloy pa rin sila sa paglalakad, patuloy pa rin ang hindi paglingon ni Chanyeol, at patuloy pa rin ang pagsunod ni Baekhyun.
“Eh bakit nga?”
“Isipin mo.”
“Itatanong ko ba kung alam ko? Kanina pa ko nag-iisip Chanyeol.” Maririnig sa boses ni Baekhyun ang halatang pagka-iritable nito. Siguro nga dahil hindi siya sanay na ganito si Chanyeol dahil sa kanilang dalawa, si Chanyeol naman talaga ang magaling manlambing at si Baekhyun naman ang tampuhin. Madalang magtampo si Chanyeol, at kapag nagtampo ito, hindi napapakali si Baekhyun. “Bahala ka na nga.”
Nilagpasan ni Baekhyun si Chanyeol na nakatayo sa may likod ng sofa. Derederetso siya at mapapansin ni Chanyeol kung saan ito papunta.
Kusina. Shit. Mga kutsilyo, pinggan, tinidor, at kung ano-ano pang mga delikadong bagay. Sinundan ito ni Chanyeol.
“Baekhyun.” Naabutan niyang nasa may lababo si Baekhyun. Dalawang kamay parehas nakahawak sa may gilid ng lababo at mukha namang walang hawak.
“Dahil ba to dun sa balinkinitang hali-” napatigil siya dahil alam niyang ayaw ni Chanyeol na naririnig siyang nagmumura o nagsasabi ng masama tungkol sa ibang tao. Haharap si Baehyun kay Chanyeol ngunit hindi aalis sa pagkakasandal niya sa may lababo. “Dun sa patpatin na sekretarya ni Kris?”
“Oo Baekhyun. Dun nga.” Sagot naman ni Chanyeol. “Ang hirap kasi sayo, kung hindi yung boss, eh yung sekretarya yung napapahulog mo.” Halos pabulong nang maka-sagot si Chanyeol. Hindi niya sinusumbatan si Baekhyun, kung papakinggan nga ng maayos ay mas maririnig ang sakit at selos na nararamdaman ni Chanyeol.
Oo alam niya na swerte siya kay Baekhyun. Ni hindi niya nga alam kung bakit sa dinami-dami ng nahuhumaling kay Baekhyun, ay siya ang napili nito. Siguro ito na rin ang dahilan kung bakit paminsan-minsan ay nagseselos si Chanyeol.
“Tang ina naman kasi." Nagulat si Chanyeol sa biglaang pagmumura ni Baekhyun. Hindi iyon pasigaw at medyo nangingilid na ang mga luha ni Baekhyun.
"Minumura mo ba ko Baekhyun!?"
"Pwede bang patapusin mo ko?" Naglalakad na si Baekhyun papunta sa kanya. Akala ni Chanyeol ay titigil si Baekhyun sa harap niya ngunit nagpatuloy pa rin ito pabalik ng salas. Malapit na si Baekhyun sa may pintuan at kinabahan si Chanyeol na baka biglaan itong umalis.
“Ang hirap kasi sayo Chanyeol,” biglaan namang humarap sakanya si Baekhyun at napa-atras si Chanyeol dahil muntikan na niya itong mabangga. “Ay hindi mo alam.”
Kumukunot ang noo ni Chanyeol dahil… hindi nga naman niya talaga alam kung anong ibig sabihin ni Baekhyun. Gusto niyang hawakan si Baekhyun. Punasan ang luha na nagbabadyang tumulo galing sa magandang mata nito. Ngunit hindi pwede, dahil alam ni Chanyeol na kapag hinawakan niya si Baekhyun ay mawawala lahat ng sama ng loob niya. Isa iyon sa mga bagay na matagal na nilang napag usapan.
Kapag hindi sila nagkakaintindihan, kailangan ay pagusapan muna nila iyon, bawal lumapit, bawal mag hawakan, bawal tumalikod at hindi tapusin ang usapan.
“Anong ibig mong sabihin Baekhyun?”
“Hindi mo alam kung gano kita kamahal. Chanyeol, alam ng buong opisina, simula presidente, hanggang sa mga tambay sa kanto ng bahay natin, na ikaw ang mahal ko.” Tska naman mabilisang pinunasan ni Baekhyun ang luha niya. Tumingala ulit siya at siniguradong nagkakatinginan sila ni Chanyeol sa mga mata.
“Sayong-sayo ko Chanyeol, mula bumbunan hanggang talampakan. Sayong-sayo, buong-buo.”
Sa tagal nilang magkasintahan, ni minsan ay hindi kinwestyon ni Chanyeol ang pagmamahal sa kanya ni Baekhyun. May mga pagkakataon nga lang na mas kinakain siya ng selos at pangangailangan ng paalala ng tapat na pagmamahal ni Baekhyun.
Hihinga ng malalim si Chanyeol. Ito na yon. Tama si Baekhyun. Alam ng lahat ng tao, bago man o matagal na sa buhay nila, kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.
Lumapit si Chanyeol hanggang halos magkadikit ang dulo ng kanilang mga paa. Hawak-hawak niya sa parehong pisngi ang nakatingin paring si Baekhyun. Idinikit ni Chanyeol ang kanyang noo sa noo ng taong mahal niya.
“Akin ka.”
“Buong-buo.”
“Shh.” mahinay na pagpapatahimik ni Chanyeol kay Baekhyun. “Akin ka, tulad ng sa’yo lang ako.”
May maliliit na mga ngiting nagsisimulang magpakita sa kanilang mga labi.
“Mula bumbunan hanggang talampakan?”
“Mula katawan hanggang kaluluwa. Mula isip hanggang puso. Mula pa noon, hanggang sa aking huling hininga.”
Sa loob ng maliit na kwarto kung saan sila panandaliang mananatili, ay hindi nila inaasahang mabubo ang isa pang ala-ala ng kanilang pagmamahalan. Dahan-dahang silang umugong, sinimulan ang mabagal na sayaw na hindi nila nagawa kanina, at hinayaan na mahulog sa munting sandali na para lamang sa kanilang dalawa.
“Kung bibigyan ako ng pagkakataon na hanapin ka sa kabilang buhay,”
“Hindi ako magtatago Chanyeol. Malamang mahahanap mo agad ako, dahil malamang pangalan mo lang ang sinisigaw ko.”
Wala nang mas gaganda pa si ngiti sa kanilang mga labi. At wala nang mas sasarap pa sa paglapat ng mga ito.
Walang Chanyeol kung walang Baekhyun. At wala rin namang Baekhyun kung walang Chanyeol.
---










