Alam mo sa tingin ko? Di na ko makakamove-on ng basta-basta sayo. Hangga't may natitira pang kaunti, oh sige fine, sandamakmak na pagmamahal, pa ko sa sarili ko para sayo, di talaga kita makakalimutan. Alam mo kasi, sobrang umaapaw na lahat ng gusto kong sabihin sayo. Sobrang umaapaw na lahat ng gusto kong iparamdam sayo. Sasabog na ko. At alam mo, pag sumabog tong dibdib ko, maraming mapapahamak. Maraming masasaktan. Kaya siguro mas pinipili ko nalang na pahirapan sarili ko. Kasi mas risky lang eh. Sabi nga ni Hazel Grace Lancaster sa The Fault In Our Stars, "I'm a grenade.". And yes, that's what I am right now. Sobrang dami kong gustong masabi sayo, iparamdam sayo, sasabog na ko. Ngayon, sa tingin mo, makakamove-on ba ang isang tao kung ganito pa siya kapuno? Kailangan ko munang sumabog. Para wala na talaga. Kaso ayoko makasakit. Ang hirap hirap.












