Sana isang araw bumalik na tayo sa dati. Kahit na may konting tampuhan, ang mahalaga magkasama tayo.
#iwtv#interview with the vampire#amc tvl#sam reid#jacob anderson




seen from Finland
seen from Pakistan
seen from China

seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Russia

seen from United States
seen from China

seen from Germany

seen from Romania
seen from Malaysia

seen from Switzerland
seen from Spain
seen from Malaysia
seen from United Kingdom

seen from China
seen from China
seen from United Kingdom
Sana isang araw bumalik na tayo sa dati. Kahit na may konting tampuhan, ang mahalaga magkasama tayo.
Ang Sundalo ay Sumusuko din
Naaalala ko na naman kasi siya. Oo siya. Yung taong minsang naging dahilan ng tawa at saya ko. Yung taong apat na taon na sa kabila ng flaws at imperfection ko ay minahal at tinanggap niya ako. Ang dami naming napagdaanan. Siya na yung halos bumuo ng buhay ko. Mahal na mahal ko kasi yung taong yon eh. Minahal niya din naman ako.
Natatandaan ko lahat, simula nung araw na sinagot ko sya, yung mga araw na naglilibot kami sa mall, yung mga panahong sumasakay kami sa jeep ng sabay, pati na din yung mga panahong magkatabi kaming matulog tuwing oras ng siesta. Di ko rin makakalimutan yung pinakilala niya ako sa pamilya niya, di lang sa mga magulang nya, pati na din sa lola nya, mga pinsan, at pamangkin. Kala ko nga kami na talaga eh. Ang galing.
Sa paglipas ng mga taon na magkasama kami, ilang beses kaming naghiwalay at nagkabalikan. Ilang beses nagtampuhan, hindi nag usap, at nag away. Ilang balde na din ng luha yung iniyak ko, ilang tissue na din ang nasingahan ko, at ilang payo na din ang mga sinabi sakin ng mga kaibigan ko na di ko pinakinggan kasi sobrang mahal na mahal ko siya. Handa akong maging martyr para sa kanya. Ganun ko siya kamahal. Pero habang tumatagal, nakakapagod din palang ipaglaban yung taong pinaparamdam na sayo na matagal ka ng natalo. Pero di pa din naman ako sumuko, I mean di pa din ako sumusuko kahit na pagod na pagod na akong intindihin siya, kahit pagod na pagod na akong ibalik yung dating meron kami, kahit pagod na pagod na ako sa bawat pambabalewala nya sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko nga na habang pilit kong inaayos ang relasyong meron kami ay lalo itong nasisira. Sabagay, ako lang naman kasi ang nagaabalang ayusin ito at ibalik ang dating kami.
Alam ko balang araw mapapansin niya din yung mga ginagawa ko sakanya. Pero siguro sa araw na yun, yun na yung araw na di ko na kaya. Yung araw na isinuko ko na sya.