Sa tuwing nakikipag-usap ka sa ibang tao, anong komento patungkol sa mukha mo ang pinaka-ayaw mong marinig? Sobrang ganda? Sobrang panget? O puwede na?
Isa ka ba sa mga taong laging nakakatanggap ng komentong “puwede na”? Kung ga’yon, narito ang ilan sa mga linya ng ating mga kakilala na tayong mga may “pangkaraniwang mukha” lang ang makaka-relate.
1. “Uy kamukha mo si...” --- sanay na sanay ka nang mapagkamalan na ibang tao dahil pamilyar daw ang mukha mo. Minsan masakit kasi wala kang sariling pagkatao ngunit minsan masaya kasi kapag nagkamali, puwedeng makatakas dahil sa sobrang common ng mukha mo, ‘di na nila matandaan pangalan mo.
2. “Bago ka ba rito?” --- kahit na matagal ka nang pumapasok sa klase o trabaho mo, mayroong taong paulit-ulit na magtatanong kung ano ang pangalan mo. Nakakayamot man dahil hindi ka nila matandaan ngunit nakakatuwa rin dahil laging fresh sa paningin nila ang mukha mo. Oha!
3. “Maganda ba siya?”...“hindi”...”panget?”...”hindi rin” --- Hindi ikaw ang pinakapanget pero hindi rin ikaw ang pinakamaganda. Kaya minsan binabawi na lang sa attitude, outfit, at pakikisama sa kapwa.
Tatlo lamang ‘yan sa pinaka-sikat na linya na laging naririnig ng mga tulad kong may karaniwang itsura. Kung mayroon kang karagdagang karanasan na konektado sa usapin, maaari kang mag-iwan ng iyong komento sa baba. Tandaan mo kaibigan, hindi ‘k’ na kagandahan ang basehan upang tumatak ka sa kanila. Mas kailangan ang ‘k’ na kabutihan para sa iba upang makatulong sa pagbabago ng mundo.