minsan di ko na rin alam paano ko nakakayanan ‘tong bwakanangshit na lyf. ngayong araw sobrang stressed ako sa work na inatake na ako ng migraine. di naman siya rare pero isa yun sa sign na iba yung pagod ko sa araw na ‘yun and this was one of them. di ko rin alam bakit ba ako nag-sstay sa work na ‘to well maybe because I do really love my job but the stress that comes with it, hindi talaga eh. i mean diba kapag love mo yung isang bagay, titiisin mo pero tangina di q na kaya 🥹
maybe one, okay two, of the reasons are my Hubby (which also works at the area like as in sobrang lapit lang namin loooool) and 💸magastos ako💸
haaaaay Lord. sana naman po magkaron rin ako ng pretty privilege ano? yung tipong pag tinanong ako ano ambag ko sa company, sasagot ako with my head held high na “ganda lang baket? 🤭” HAHAHAHA ge ge goodnight!!!!












