Bakit nga ba si VP Leni Robredo ang Bise Presidente ko?
Uunahan ko na ang mga makakabasa nito, ‘HINDI AKO DILAWAN LALONG HINDI AKO BAYARAN” Isa lang akong kabataang nangangarap ng magandang kinabukasan para sa bayan.
Bakit nga ba si Leni Robredo yung Bise Presidente ko?! Bakit? May Iba pa bang deserving? Sa pagkakaalam ko kasi siya na ang matino at walang halong biro yun. Uulitin ko.. Hindi ako bayaran at lalong hindi dilawan.. Tanggalin na natin yung Ideolohiyang kapag si VP Leni ang Bise mo, Matik Dilawan ka.
Si Leni Robredo ang Bise ko kasi siya ang nakikita kong pwede maging nanay ng maraming Pilipino dahil yung tipong kapag kailangan mo ng kausap dahil ayaw mo na sa Mundo, Siya yung malalapitan mo at sasabihing “Anak, Andito pa ako wag kang sumuko”.
Si Leni yung Bise ko dahil parang kaibigan mo na kahit anong lungkot mo, Kapag nakita mo siya na dumating na parang may bitbit siyang Jollibee Chicken Joy para pangitiin ka at sasabihing “Wag ka ng malungkot, Ito oh, May Joy sa Chicken joy”. Nag bibigay siya ng Hope sa maraming tao.
Si Leni ang Bise ko kasi siya yung parang Tita mo na kapag pinagalitan ka ng Nanay mo, Siya yung magiging Kakampi mo.
Si Leni ang Bise ko kasi para siyang Ninang mo na, Hindi lang pag pasko dumadating, Siya yung parang Ninang ko na kapag chinat ko ng “Hello Ninang” rereplyan ka ng “Hi Inaanak, I’m Ready”, Ready lagi para hindi lang pamasko ang ibigay kundi pati ang pag gabay.
Si Leni Robredo yung Bise Pangulo ko kasi para siyang nanay mo na Kahit anong hirap, Kahit may sakit man andito sa tabi mo para alagaan ka, mahalin ka kahit pa ang tigas-tigas ng ulo mo.
Siya yung Nanay ng maraming Pilipino na kahit ang dami niyang natatanggap na batikos, HIndi niya tayo iniiwan pero mas lalo niyang tinatatagan. Sana Mahalin din natin siya parang tunay nating mga Ina.














