Walang nakakaintindi kung ano ‘yong tunay na nararamdaman ko para sa'yo. Ilang beses ko ma'ng ipagsabi sa mga kaibigan at pamilya ko kung gaano kita kamahal at kung gaano ako kabaliw sa'yo, I know for a fact na hindi pa rin sila naniniwala. Kesyo kulang daw ‘yong dahilan para mahalin kita. Baka daw gustong-gusto lang kita, pero hindi naman daw talaga kita mahal. Hindi daw magtatagal ‘to. Imposible daw ang nararamdaman ko, ganyan, ganito. Tapos ako naman, nananahimik na lang. Like, okay, sige. Hindi naman sila 'yong may hawak ng puso ko, e. At the end of the day, ako lang dapat ang maka-ramdam. Puso ko naman 'to, di ba? After all, sariling feelings ko naman ang involve dito.
Halos walong taon na din pala. Hindi ko alam kung paano at bakit nagsimula in the first place. Ang natatandaan ko lang, thankful ako na nararamdaman ko pa rin 'yong naramdaman ko sa'yo Eight years ago. (though para ngang mas tumitindi pa lalo sa bawat araw-araw na nagdaan) As of now, ang highlight sa akin, alam ko kung paano kitang pinapahalagahan. H'wag ka'ng mag-alala, lagi ko rin namang nililinaw sa sarili ko kung ano'ng parte mo sa buhay ko, at kung ano'ng parte ko sa buhay mo.
Ano nga ba daw ang nagustuhan ko sa'yo? E ang angas naman daw ng dating mo sa unang tingin, na sa pagkakalagay ko, e 'yon ang ayaw ng mga kalalakihan sa'yo. Wala ka namang abs kaya’t hindi ko alam kung bakit madaming babae ang naiinggit kapag inaangkin kita. Oo nga’t gwapo ka, matangkad ka, ma-appeal ka, Oo nga’t mas gwapo, mas ma-appeal, mas matikas, at mas talented sa'yo 'yong kakambal mo, pero para sa akin, mas gwapo, ma-appeal, at talented ka. Oo nga’t na-attract ako sa looks mo no'ng una kita'ng nakita. Pero alam mo ba'ng habang tumatagal, habang may nadidiskubrehan ako'ng mga bagong bagay about sa'yo; positive o negative man, mas lalo ka'ng nagiging special sa akin. Mas lalo ako'ng nagmamahal sa'yo. Mas lalo ako'ng humahanga sa'yo. Mas lalong tumitindi 'yong nararamdaman ko para sa'yo.
Alam mo ba'ng hindi ako mahilig sa Parokya? Pero dahil sa'yo, halos lahat ng kanta nila, na-download ko na. Naalala ko pa no'ng una ko'ng nalamang paborito mo 'yung Parokya. Vigil no'n, e. Nahika ako no'n, tapos nandun ka sa gilid, kasama mo si Jerome. Pinatugtog mo pa 'yong “San na nga ba ang Barkada” tapos sinabe mo'ng ganung-ganon kayo. Natuwa nga ako no'n, ang daldal mo kase no'ng time na 'yon, e. Hindi ko inakalang gano'n ka, kase wala sa itsura mo. Mukha ka kaseng cold na lalake, 'yong walang pakealam sa mundo, at one word lang kung magsalita. Pero nu'ng gabing 'yon, nakita ko 'yung madaldal na side mo. Kahit parang hangin lang ako para sa'yo, atleast, may nalaman ako, 'di ba? Nanonood na din ako ng laban ng San Mig, at bumibili din ako ng Jersey nila, dahil alam ko'ng 'yon ang gusto mo. Minsan nga naisip ko, bakit ko ba 'to ginagawa? Wala naman ata ako'ng mapalala. Pero hindi ko pa din alam, e. Iba kase kapag pag-ibig, nakakabaliw.
At alam mo rin ba na marami na ako'ng panaginip na ikaw ang laman? Merong masama, merong maganda. Minsan nga 'pag sobrang sama, pag-gising ko, may makakapa ako'ng luha sa pisngi ko. Minsan naman, 'pag sobrang ganda, good mood agad ako sa umaga, tapos ikukwento ko kagad kay Inakonda kung ano 'yong nangyari sa panaginip ko.
Speaking of Inakonda, lagi ko namang sinasabe na boto talaga sa'yo si Mama. Pati si Ate, sila Hyung, saka si Ahbuji. What?! Lol. E ang tanong, ako ba? Gusto mo din ba ako? Pero Lol lang din 'yong huli ko'ng tanong, syempre. Hindi ko naman na kailangang itanong sa'yo 'yon, e. Alam ko naman na 'yong sagot. Okay, sige. Hindi ko lang rin naman masyadong pinapahalata, pero nasasaktan rin naman ako. Kumikirot 'yong puso ko tuwing nakikita ko 'yung lungkot sa mga mata mo kapag nakikita mo ako. O kaya kapag may nalaman na naman ako'ng kaibigan mo na naka-close mo. Pati, kapag may babae ako'ng nakikita na kasama mo–kahit sino, -bukod sa pamilya mo, syempre- kahit wala ako'ng karapatan, sorry, pero nasasaktan talaga ako. Hello, may feelings rin naman ako, 'noh. So normal lang, 'di ba?
Sorry kung hindi kita mapa-kawalan, ah? Ang selfish ko kase, gusto ko sa akin ka lang. Ayaw ko'ng mapunta ka sa iba. Gusto ko, mainggit sila kase sa akin ka, kahit hindi naman talaga. Alam ko naman kung gaano kalaki 'yong galit mo sa akin, at alam ko rin na deserve ko 'yon. Pero hindi ko kase alam kung kaya ko pa. Kaya nga nag-sorry na ako. Matagal na dapat 'to, e. Kaso, hindi naman na tayo ganon ka-dalas magkita. Pati, hindi ko alam kung paanong sisimulan. Pasensya na, Sensui Babe. Kung nagulo ko 'yong buhay mo. Sorryyy. Hindi ko sinasadya, maniwala ka sa akin. Kaya ngayon, pwede ba'ng pabayaan mo ako'ng bumawi sa'yo?
Dahil alam mo na 'to, dahil alam mo na lahat, hindi ko na alam. Hahahaha. Ewan. Siguro, marami na'ng magiging pagbabago sa akin? Sana. Sana rin, may mamuong 'Friendship’ sa pagitan nating dalawa. Panibagong Chapter, kumbaga. Basta, nandito lang ako palagi. Kahit hindi mo ako nakikita, nararamdaman o pinapansin, dito lang ako, through ups and downs, handa ako'ng tulungan ka hangga’t kaya ko. Napatunayan ko na 'yan, kase nandito pa rin naman ako, until now. Alam mo 'yon, 'di ba? Kaya sana kung may problema ka, sana h'wag ka'ng mahiyang lumapit sa akin, kase tutulungan kita with all my heart, liver, stomach, intestines, at lahat ng lamang loob ko. xx
Salamat sa lahat. Salamat sa mga ngiti mo na nagsilbing inspirasyon ko. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya simula no'ng unang araw na binigyan mo ako ng how-how. I may sound cheesy and korni, pero seryoso ako. Alam ko'ng mabuti ka'ng anak, kapatid at kaibigan. Alam ko'ng may mabuti ka'ng puso. Alam ko'ng totoo ka'ng tao. At dahil do'n, kahit kailan, kahit gaano kasakit pa'ng mahalin ka, kahit ilang beses mo ako'ng pinagtabuyan, kahit ilang beses ako'ng napahiya, kahit gaano karumi at sobrang baba na ng tingin sa akin ng ibang tao, hinding-hindi ko pagsisisihan kung ano 'yong nararamdaman ko para sa'yo. Pero alam ko rin, balang araw, magiging kwento na lang lahat ng 'to.
Pero pwede ba, bago maging kwento lahat, can we atleast try and work it out. Work our lives out without each other. Medyo nasanay na rin kasi tayo ng nandyan ‘yung isa’t-isa, e. Hehehehehe.
I posted this here, kasi hindi ko pa kayang i-post sa isang blog ko – sa blog ko na alam ko’ng makikita mo. Siguro nga, hindi pa panahon. But I know, soon I will, we both will. I love you most, Eich. xoxo