Pagsusuri sa Nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes
Pamagat: Pagsusuri sa Nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M.
Panimula
Ang nobelang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag ay isinulat ni Edgardo M. Reyes. Isa siyang tanyag na manunulat sa Pilipinas na kilala sa pagsusulat ng mga kwentong tumatalakay sa buhay ng mga karaniwang tao. Sa nobelang ito, ginamit niya ang tunay na karanasan ng mga mahihirap sa lungsod. Ang pamagat ay tumutukoy sa lungsod ng Maynila bilang isang lugar na puno ng pangako pero mapanganib. Ang "kuko ng liwanag" ay simbolo ng kasinungalingan ng modernong buhay, kung saan maraming nangangarap pero nauuwi sa pagkabigo.
Katawan
Ang nobela ay may maraming tauhan:
Julio Madiaga – siya ang pangunahing tauhan, isang probinsyanong pumunta sa Maynila para hanapin ang kasintahang si Ligaya.
Ligaya Paraiso – ang nawawalang kasintahan ni Julio na napunta sa kamay ng mga mapagsamantalang tao.
Mr. Balajadia – ang amo sa construction na mapang-abuso at nangunguha ng malaking parte ng sahod ng mga manggagawa.Atong – kasamahan ni Julio na isa ring biktima ng pagsasamantala.
Pol – isang matapat na kaibigan ni Julio na nagbibigay liwanag sa kalagayan ng mga manggagawa.
Mrs. Cruz – isang mayamang babae na ginamit si Julio para sa pansariling interes.
Ah Tek – isang Chinese businessman na kinakasama ni Ligaya.
Bobby – isang binatang lalaki na minsang karelasyon ni Julio para sa pera.
Imo – isa sa mga trabahador sa construction site.
Karyo – isa ring manggagawa, madalas kasama sa trabaho.
Omeng – isa sa mga trabahador na naging biktima ng aksidente.
Ang buong kwento ay umiikot sa pakikipagsapalaran ni Julio sa Maynila habang hinahanap si Ligaya. Sa kanyang paghahanap, nakita niya ang madilim na katotohanan ng lungsod. Ang pagsasamantala, kahirapan, at kawalang-katarungan. Sa dulo, namatay si Julio matapos niyang tangkain iligtas si Ligaya.
Ang tagpuan ay sa Maynila noong dekada 70. Ipinapakita ng nobela ang kasuklam-suklam na kondisyon ng lungsod noong panahong iyon.
Ang simula ng kwento ay nang dumating si Julio sa Maynila. Ang kasukdulan ay nang matuklasan niya ang sinapit ni Ligaya. Ang wakas ay trahedya, namatay si Julio. Ang nobela ay isang panlipunang nobela. Ipinapakita nito ang tunay na buhay ng mga manggagawa at mahihirap sa lungsod. Ang tema ng kwento ay kahirapan, pananamantala, at pagmamahal. Ang damdamin ay lungkot, galit, at awa sa mga tauhan.Kabuuang
Mensahe ng Nobela
Sa nobelang ito, ipinapakita ang katotohanang hindi lahat ng nangarap sa Maynila ay nagtagumpay. Marami ang naging biktima ng sistemang mapagsamantala.
Bisang Pangkaisipan
Naiintindihan ko na ang buhay sa lungsod ay hindi ganun kadali.
Bisang Pandamdamin
Naramdaman ko ang lungkot at galit para kay Julio at sa mga katulad niya.
Bisang Pangkaasalan
Natuto akong hindi basta-basta maniwala sa magagandang pangako, lalo na kung kapalit ay dangal at buhay.
Pagsusuring Pampanitikan
Gamit ang teoryang Marxismo, makikita ang agwat ng mayaman at mahirap. Sa Kabanata 2, si Mr. Balajadia ay lantarang nagnanakaw ng kita ng mga trabahador. Mas pinapakita rito kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng mayayaman sa mga walang laban.
Konklusyon
Isang pangyayari sa nobela na sumasalamin sa isyung panlipunan ay ang pagbawas ng sahod ng mga manggagawa at ang pang-aabuso ni Mr. Balajadia. Hanggang ngayon, marami pa rin ang minimum wage earners na hindi nabibigyan ng tamang benepisyo. Isa sa mga panukala ko ay ang mas mahigpit na batas sa pagprotekta sa karapatan ng mga manggagawa, gaya ng paglalagay ng labor inspectors sa bawat proyekto, para maiwasan ang ganitong pang-aabuso.














