Mahal pa nga pala kita. Akala ko wala na ang lahat. Pero di ko na talaga ipipilit kasi na trauma na ako sa sakit na naramdaman ko noon.
Mas mabuti na siguro na ganito na lang tayo, hindi na nag uusap, at hindi na katulad ng dati. Siguro kung mag uusap uli tayo, mas lalo lang ako mahihirapan at baka bumalik ang dating sakit sa puso ko o kaya naman ay maging mas masakit pa.
I’ll be here rooting for you silently. I will be happy for you para sa lahat ng magiging achievements mo pa sa buhay na magagawa. Ingat ka na lang lagi. And yes miss na miss kita, pero hanggang dito na lang talaga. Bumabalik sa akin ang lahat kapag naaalala kita or naiisip kita eh.
Kung mabasa mo man ito, alam mo sa sarili mo na ikaw ang subject nito. Alam kong binigay ko sayo ang url ko noon, at binabasa mo mga napopost ko dito diba? Sinesendan mo pa ako ng screenshots dati para lang magtanong kung anong ibig kong sabihin sa iba kong posts eh. Haha. ✌️🤣













