Sana sa pahanong pwede na, pwede pa. :(
seen from Italy

seen from Germany
seen from China
seen from Russia

seen from United States
seen from United States

seen from China

seen from Uzbekistan
seen from United States
seen from United States
seen from Italy
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Kazakhstan
seen from United States
seen from Netherlands
seen from Germany
Sana sa pahanong pwede na, pwede pa. :(
bakit sabi mo nandito lang ako pero bakit wala ka na??? Nagpapahanap ka ba?
8/17/2015
confirmed na may gusto ka nga sakanya. How I wish na sana ako nalang siya. edi sana masaya pa ako. pati ikaw (sana) but I’m happy for you. kahit na tangina talaga bakit kasi tinago ko pa to. Bakit kasi hindi pa ako umamin sayo. Akala ko naman hinihintay mo din yung pagka-dl ko yun pala may nauna na saakin. haha ang sakit. haha shet 8 months na to eh. hahaha hayss akala ko naman ayaw mong magka-gf muna pero bakit parang malapit na kayo dun? haha di ko na natutuloy yung box na araw-araw na nakatago sa bag ko ang non-sense baka maging laman nalang nun “ang lungkot naman tas siya ang swerte swerte niya kasi kasama ka niya” pero jerms swear gusto padin kita haha ba’t ang unfair naman? di ba pwedeng bumalik nalang tayo sa dati yung gusto mo ako tas gusto rin kita? bawal ba yun? :( pero I won’t lose hope. Pinaghirapan ko to eh kaya itutuloy ko to hangga’t kaya ko. Animo la salle nga diba? haha. :(
Miss na miss na kita.
Pero anong gagawin ko?
anong sasabihin ko sayo?
pababayaan ko nalang ba yung tadhana na pagtagpuin tayo ulit?
Hanggang kailan ako aasa?
Hanggang kailan ako maghihintay?
Bukas makalawa kilala mo pa kaya ako?
kakamustahin mo pa kaya ako pag nalulungkot ako?
Pinagdadasal mo parin kaya ako pag nagte-test ako?
Hanggang kailan ko pa to titiisin?
Hihintayin ko pa ba yung pasko para lang magkaroon ng dahilan para makausap kita ulit?
Hanggang kailan pa kaya ako makikipag-usap sa mga kaibigan mo para lang makamusta kita?
Sabi mo saakin dati "kaya mo yan nandito lang ako" Pero bakit hindi ka na nagpaparamdam?
Bakit hindi mo na kinakausap?
Bakit pakiramdam ko pati ikaw nawawala na din.
Hanggang kailan ko ba'to itatago?
May pag-asa pa kaya na maging tayo?
May nararamdaman ka pa kaya para saakin?
Hanggang kailan ko ba hihintayin na sabihin mo saakin na "gustong-gusto kita dati pa" o baka naman naging "gusto kita DATI, pero hindi na ngayon"
Bakit ba kasi hindi mo sinabi? Bakit ba kasi hindi ko rin masabi?
Hindi mo ba ako kayang ipagmalaki kaya hindi mo sinabi saakin?
O baka naman natatakot ka na malaman ko yung totoo kasi baka umiwas ako.
Pero hindi, Hindi ko kayang gawin yan kasi ang totoo matagal na kitang hinihintay.
Part II (side ko)
1st year high school palang gusto na kita.
Hanggang sa nagkaroon tayo ng tawagan na "Pots" Hindi ko na nga lang alam o maalala kung bakit iyan.
Gusto kita pero hindi ako seryoso nun, iba kasi talaga yung gusto ko.
2nd year High school ganun padin. Wala magkaibigan padin tayo okay padin.
Hanggang sa kinamusta mo ako. Tas sabay banat ng kamusta lovelife mo? Sabi ko wala na. Pero kasi ikaw mayroon na.
3rd year High School, wala kaibigan padin Iba din kasi gusto ko, Iba rin sayo
4th year High School Minsan nagkakatabi tayo, nakakapag-usap tayo Minsan gets mo yung lesson sa math ako madalas hindi.
Sabi mo pa nga nun "common sense lang yun oh" sabi ko ha? panong common sense? Tas yun naisip ko din. Galing mo nga nun eh hirap kaya ng trigo.
Dati nga nagkokopyahan pa nga tayo nun sa El Fili eh Ang talino mo pala talaga no.
Minsan nga nasabi mo saakin na "Alam mo maganda ka sana eh, patangkad ka lang" naisip ko "Bakit pag tumangkad ba ako liligawan mo ba ako?"
Nung mga panahong yun natutuwa ako pag katabi kita. Hindi dahil sa gusto kita pero kasi masaya kang kasama.
Hindi ko nga napansin nun na gusto mo pala ako. Pero alam ko naman madami karing gusto.
Sino nga ba naman ako diba? Hanggang sa nalaman ko may iba ka na ulit.
Hindi ako nasaktan nun. Wala eh. "gusto" lang naman kita nun pero hindi na kasing tindi ng ngayon.
Naisip ko nga eh nung nagkausap kayo ng kapatid ko. nagulat ako sa nalaman ko.
Hindi ko alam kung totoo Pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko Abot langit yung ngiti ko Kasi sa wakas nalaman ko na yung isang bagay na matagal ko ng hinihiling na marinig galing sayo.
Tapos tinanong ka ng kapatid ko ba't nawala?
Sabi mo "naging kami na ni ano eh"
Naisip ko noon na: Paano kaya pag hindi naging kayo?
Paano kaya? Naging tayo kaya nun?
Pero naisip ko din kung:
Kinikilig ka din ba pag nagkakadikit yung mga balikat natin?
Nasasaktan ka ba pag sinasabi ko sayo na "gusto ko siya"
Minsan kaya tinitignan mo din ako habang hindi ako nakatingin sayo?
Minsan kaya natuwa ka na naging katabi mo ako?
Minsan kaya naisip mong mag-aral sa El fili para mapakopya mo ako?
Minsan kaya naisip mo na mag-aayos ka ng sarili para lang mapansin kita?
Ang dami ng tanong na nabuo sa isip ko.
Sobrang dami na kailan ko kaya makukuha yung mga kasagutan dito?
Sana maulit ulit yun. Yung magkakatabi ulit tayo.
Tas aamin na ako para matapos na para malabas ko na yung matagal ko ng tinatago na masabi ko din sayo na "gusto kita"
Sobrang sayang naman nung mga panahon na gusto kita tas gusto mo din ako.
Pero wala na akong magawa Hindi ko na din maamin pero sana nga maamin ko eh, sana.
Pero Hanggang dito nalang siguro ako.
Hindi mo na kasi ako kinakausap eh Hindi na din kita makausap.
Pero sana balang araw pag nagkita tayo ulit sana marinig ko sayo na
"Matagal na kitang hinihintay, sabi mo kasi mag-aaral ka muna Pero sa tingin mo kaya Pwede na maging tayo ngayon?"
Sana wag ka muna makahanap ng iba. Sana hinihintay mo ako.
Kasi ako, hindi kita lolokohin, hindi kita papaasahin Kasi pag nagmamahal ako kahit sino pa yan lagi kong inuuna lagi kong pinapahalagahan at hindi ko sinasaktan.
Sana balang araw Magkita tayo ulit.
Yung tipong handa na tayong magmahal o masakatan ulit para kahit anong dumaan saatin na pagsubok sabay nating haharapin.
Tapos sigurado na ako sayo at sigurado ka na din saakin.
Salamat sa lahat ng nagawa mo para lang mapangiti ako pag nalulungkot ako sa pagpapatibay ng loob ko pag nanghihina na ako sa pagpapalakas ng tiwala ko sa Diyos Maraming salamat sa lahat lahat nasan ka man ngayon sana malaman mo na "nandito lang ako para sayo, hihintayin din kita"
Ang sakit pala sa puso nung salitang “Almost” yung tipong nandun na tas tsaka pa mawawawala lahat. Sayang no. Kung kelan gusto ka niya di mo siya gusto kung kelan naman gusto mo siya hindi ka na niya gusto. Ang labo naman no? parang mapapa tangina naman eh ka nalang haha. Hindi kasi kayo magkasundo ng tadhana kaya yun laging back to zero. Wala eh.
Nagdeact ako ng lahat ng accounts. I need peace. Yay
Ang hirap naman. Ang hirap ng walang mapaglabasan ng sama ng loob, ng nararamdaman, ng hinaing, ng reklamo, ng lungkot, ng sakit.. ng lahat lahat lahat. Pero ang mahirap dun eh yung sa dami ng kakilala at kaibigan dun, wala ni isa dun yung naiisip mong kaya pang tiisin at pagtyagaan lahat ng drama't himutok mo sa buhay, sa sarili mo at sa mga bagay bagay. Tngna naman.
Napapaisip tuloy ako kung tama ba to.. kung tama ba na tinanggap kita kahit alam kong may nasasaktan dahil sateng dalawa. Tama ba? Hindi ko na alam. Mahal kasi kita eh, yun na lang alam ko. Hindi ko na naisip na may mga bagay at tao akong dapat iconsider. Kaibigan ko pa! Kaibigan ko pa yung nasasaktan... Hindi ko alam kung dapat ba kong magsisi na tinanggap kita kahit nasasaktan sya... o magsisi dahil hinayaan kong maging magkaibigan kami kahit mahal na mahal kita.