Nagbabago talaga ang panahon kasama ang mga tao.
Pwedeng yung mga kaaway mo noon, kaibigan mo na ngayon. Sa parehong paraan na pwedeng yung mga kaibigan mo noon, kaaway mo na ngayon. Pwedeng yung mga gusto mo noon, ayaw mo na ngayon. Pwedeng yung mga ayaw mo noon, sila na yung gusto mo ngayon. Pwedeng yung mga pangarap mo noon, binabasura mo na ngayon. Pwedeng yung mga binabasura at binabalewala mo noon, pinahahalagahan mo na ngayon.
See? Wala talagang permanente sa mundo - maliban sa hindi matapos-tapos na kagustuhan ng mga tao.
Pwedeng yung opinyon mo noon, hindi mo na pinapaniwalaan ngayon.












