End and Start.
Sinabi niya rin sa wakas.. Tapos na.. Next page na.... Wala ng sequel... End route....
Sa wakas, tapos na ang walang tigil na kaa-asa ko. Tinapat din ako ng taong gusto ko na ayaw niya sa'kin, na naiirita siya. At least, wala na kong dapat pag pag-aksayahan pa.
Anong nararamdaman ko? Syempre may halong sakit, na may konting saya. Masakit dahil tapos na e, masaya dahil hindi ko na kailangang mag-effort pa para lang sa wala. Di ako pinaasa, yun ang pinakagusto kong ginawa niya :)
Sa totoo lang, makasarili akong tao. Ayokong ibahagi sa iba yung mga gusto ko, lalo na kung pag-aari ko. Pero sa sitwasyon na 'to, hindi naman siya sa'kin, kaya wala akong karapatang magdamot. Kung pinahahalagahan mo talaga ang isang tao, dapat mong irespeto kung ano yung gusto niya. Ganun dapat.
Good luck sa'yo, maging masaya ka sana. God bless :)
Move on na, marami pang pagkakataon.
PS: Thank you Lord, wala na kong dapat pagpuyatan pa! hehe :D









