Kakauwi lang.
Ang saya saya talaga ngayong araw na ito! Salamat sa minamahal kong mga kaibigan! Woohoo! SOBRANG LAUGHTRIP talaga kami kanina. As in DABEST LANG.
Mga nangyari in bullet form:
Pumunta sa SM North para makipagkita kay Chelay (fvckyeahforever) at Paul (pilipippoy). Tatambay lang sana kami doon after magdeliver ng ballers si Chelay.
Kasama ni Chelay ang kanyang BFF na si Ian. Nice to meet you, IAN. Di ko alam kung ano tumblr mo eh. Hahahaa.
Kumain kami sa KFC sa may Annex at nagtangkang panuorin ang Mirrors (movie sya na horror daw). Hindi ko kinaya kasi sadyang brutal talaga!
Dumating si Kuya Byron (evilarcher).
Super laughtrip at kwentuhan. Syempre hindi mawawala ang picturan. :D
Biglang nagdecide na manuod ng movie. Bridesmaids ang napili namin at wala kaming nahanap na venue na malapit lang kundi sa SM MARIKINA.
Pumunta kaming lima sa SM Marikina. Ang saya lang sa biyahe.
Pinanuod na namin ang movie. Laughtrip yung FIRST SCENE. GRABE. Hindi namin kinaya ang eksena. PANUORIN NIYO PARA MALAMAN NIYO ANG IBIG KONG SABIHIN.
Kakasimula lang ng movie at biglang dumating si Justin (kjse).
Sa bandang kalagitnaan ng pelikula, dumating na si Kuya Luwi (everydayluwirap).
TAWA MODE KAMING LAHAT! Ang ganda lang ng movie. PROMISE.
Kumain na naman sa KFC. Suki na ata kami dun. Wahahaha. Pinagtripan pa namin yung mga nasa counter. SABAW MODE. Hihihihihihi.
Kwentuhan ulit. Laughtrip. Walang sawang picturan.
UWIAN NA.
Grabe. I had tons of fun talaga. Excited na excited na ako sa Saturday!!!! Woohooo! Sumama na ang gustong sumama! PADIS ARANETA ang venue. LEZZ HAVE SOME FUN!!
Good Evening sa lahat!












