Sa sobrang dami ng tao na nagpasaya sa akin dito sa mumunting blogsite na ito, kulang ang gabing ito para masabi ko sa inyo ng isa-isa kung paano ako nagagalak na tayo'y nagkakilala at sa kalauna'y naging magkakaibigan.
Ang gusto ko lamang sabihin sa inyo ay, SALAMAT.
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Hindi na kailangan ng mga mabubulaklak na salita ang post na ito upang maipahayag ko sa inyo ang labis kong pasasalamat dahil sa di-inaasahang pagkakataon, naging mabubuti tayong magkakaibigan. Ilan sa inyo, matagal ko nang kakilala, yung iba naman nitong mga nakaraang buwan ko lang nakita pero parang ang bibilis nating nagkakasundo. Para bang ilang taon na tayong magkakakilala. Yun talaga ang nakakatuwa. Tapos kapag nagkahiwa-hiwalay man tayo ng kahit kaunting panahon lang ay hinahanap-hanap na natin ang bawat isa. Para bagang konektado na talaga ako sa inyo gayun din kayo sa akin. Mahal na mahal ko kayo! Salamat sa wagas na pagkakaibigan. Salamat sa mga tawa, kwento, chika, kabaliwan, pagkain, damit, lahat na! Salamat.
Muli, salamat sa lahat, aking mga kaibigan. Alam niyo naman na nandito lang ako lagi at handa akong magbigay ng kasiyahan sa inyo. Sana ay huwag kayong magsawa sa akin ah. Hehehehe. Yun lang.