Yoww!
January pa lang pero sobrang lost na ako ulit.
Bumalik yung opportunity na gusto kong i-pursue--scholarship for Master's. I want to grab it, but I have so much fear in me to be able to take action. Ngayon, last week na ng enrollment sa school na gusto kong pag-enrollan at meron na naman akong existential crisis.
Mas maluwag na ang schedule ko this semester kasi nabawasan ako ng subject na ituturo tapos may dalawa pa akong Student Teachers na kahati ko sa loads ko. As in kayang-kaya ko na mag-aral nang maluwag-luwag. Takot na lang talaga yung pumipigil sa'kin para gumalaw.
Huhu, ang hirap pag hindi ka risk taker. Nirereminisce ko na lahat ng risk na ginawa ko in the past para lang gumawa ng hakbang huhu.
Nanghihingi ako everyday ng sign to pursue this--hindi ko alam kung hindi ko lang napapansin yon o wala talaga :(
Gusto ko siya i-pursue kasi it feels like where I am today is a little bit small for me and I want to explore the world.
Gusto kong malaman kung gaano kalawak ang mundo.
And I want my faith and courage to be bigger than my fears.
How can I do it?
















