My Pre Valentine's Day gift
nabasa ko lang tong post na to sa tropa ko. napaisip ako "wow! anung plano neto?" pero di ko na lang pinansin baka sabihin spoiler pa ko.
He asked me kung pwede daw ako ng Feb.10. friday un. sabi ko "bakit? ano meron?" sabi nia "basta sumama ka lang sakin" edi ok sasama ako sa kanya. hehehe..
hanggang sa February 10, 2012 Friday na. nabasa ko to
boom! anung meron na naman? sabi ko sa sarili ko. anung gagawin kaya neto? hindi ko naman masyado iniisip wala naman talaga akong idea eh! hanggang sa matapos lahat ng exams namin, we left the school around 5:40pm i think? tapos sabi niya kakain daw kami sa labas, edi ayun kumain kame sa Pancake House, sa Starmall Las Pinas.
busooog! actually may fried chicken talaga yan, kaso sa sobrang gutom ko. ayun binawasan ko agad (this is my first time to eat at Pancake House) Ü edi tapos na kami kumain, pupunta na kami dun sa sinasabi niyang place na kabado ako kasi di ko alam kung san kami pupunta! ang layo pa, kaya ang tagal kong kinabahan.
hanggang sa nakarating na kami, umakyat na kami sa Condo ng tropa ni Earvin, si Patrick. :) edi ayun, sabi nia pipiringan nia ako. (omg! are you fcking crazy? san kaya ako dadalhin nito?) ayun, nagpapiring ako sabi niya kasi magtiwala ako sa kanya. (pero sa loob loob ko, wtf! kinakabahan ako) inalalayan niya ko. sumakay pa kami sa elevator na nakablind fold ako. kung saan saan niya ko dinala, pinaakyat, nag ninja moves pa kami para makaakyat pero ramdam ko na mahangin sa place at alam kong nasa rooftop na kami, pagkaakyat namin. tinanggal na niya blindfold ko, at pinatugtog ung "Collide- Howie day"
He completed my Pre Valentine's Day, pinaiyak niya ko sa tuwa, nag star gazing pa kami, sabi niya pa eh ito lang daw ang nakayanan niya pero kasi sobra pa to sa bagay na kayang ibigay ng isang tao. nagkwentuhan pa kami habang nagchichill, nagssoundtrip, this is the greatest gift i ever received.
yea, mission accomplished nga talaga! THANK YOU! :* >:D<