My Accounting-Pakwan Analogy
Dahil masyado akong nainspire sa pakwan kanina habang kumakain ako, naisip ko ang analogy na ito. Pero, wala, malakas lang siguro talaga ang trip ko.
----------------------------------------------------
Naisip ko kanina, ang pagaaral ng accounting (para sa akin) ay tulad ng pagkain ko ng pakwan...
Ang pakwan may part na puti (yung walang lasa), may buto, at yung mismong pula (di ko alam kung anong tawag, basta yung masarap na part).
Ako, kapag kumakain ng pakwan inuuna ko yung puting part. Yung walang lasa, kadalasan kasi nasasama yun pag naghihiwa. Yung puting part, maihahalintulad mo sa bitter beginnings natin sa pag-aaral. Kapag nagsisimula tayo, di ba, di naman ganun kadali? Di ganun kadaling intindihin yung mga concepts kapag nagsisimula pa lang tayo.
Pero kahit walang lasa yun lamang tyan din yun! Ganun din sa mga bitter beginnings natin, may natututunan tayo roon at nagiging foundation yun ng knowledge natin sa accounting.
Yung mga buto, diba minsan nakakagat (aray!) natin, nalulunok (gulp!), inululuwa, inaalis, at minsan iniiwasan. Parang yun yung trials/problems/lessons/professors na hinaharap natin habang nag-aaral tayo. At saka pang laman tyan din yung buto! Hehe! Pero yung mga buto, diba itinatanim yun at kapag tumubo nagkakaroon ng bunga. Ganun din yung mga trials/problems/lessons/professors, may natututunan tayo mula sa mga yun at magagamit natin sa buhay natin. Nagiging foundation din natin yung mga yun.
At syempre yung pinaka laman, yung red part, yung masarap. Yung part na yun diba, tumatamis habang papalapit sa gitna, pero at the same time padami ng padami yung mga buto. Ganun din sa pag-aaral natin ng accounting, habang tumataas yung year natin pahirap din nang pahirap. Pero pag nagtapos tayo at naging CPA na, yun na yung gitnang part, yung pinaka matamis na part.
Eto pa isa, diba kadalasan, ang cut ng pakwan ay triangle? Parang mga accountancy students yun. Madaming nagte-take ng Accounting pero habang tumataas yung year pakaunti rin nang pakaunti.
We start with bitter beginnings and along the way we will encounter roadblocks and challenges that will make us want to quit. But these challenges will make us a better & tougher person. And of course at the end of the journey it will definitely be sweet and worth it.
And of course that end will be the start of a new beginning, a new journey.
Kain lang nang kain este, aral lang nang aral. Sa huli tayo rin ang magbebenefit at syempre huwag kakalimutan ang pagdarasal.