(Insert soundtrack ng………Forevermore)
Para akong nasa Passion de Amor nung mga sandaling lumabas ako ng gate ng naka sando at messy hair. Daig ko pa si Norma sa nipis ng suot ko at eto pa talaga matindi, kakakain ko lang ng deep fried fish meat and sautéed carrots, broccoli, and varieties of nutrition giving greenies. In short, dakilang piniritong isda at chopsuey. Buong galak ko yung nilalantakan ng biglang may nagsusumigaw sa labas ng bahay namin. Boom nabulabog yung intense focus at concentration ko while hinihigop ko yung sabaw na lasang sayote.
Ninja moves akong nagtatatakbo papuntang gate. Bam bam bam bam. Iniwan ko yung sabaw. Tsaka ko hinablot yung backpack ng kapatid ko para takpan yung sando. Imagine my surprise nung nakita ko yung classmate kong si Tonnete sa labas ng bahay namin. Ng nakatayo. Ng naka uniform. Ng 7pm ng gabi. Ng mag-isa. May tatlong options agad na pumasok sa isip ko kung bakit dinala ng tadhana ang classmate ko sa gate namin.
A) Kikidnapin niya ako at tsaka ipapasok sa sindikato para iligtas ni Cardo
B) Magbebenta siya ng drugs
C) Ipapa like niya yung profile picture niyang 3 years ago. Sabay pa request ng share.
Pero mali lahat ng choices. Turns out, naiwan ko pala yun phone ko sa room at sinasauli niya lang. Gustong gusto ko ng ihagis sa kanya yung backpack at mag pabebewave sabay moon walk pabalik ng bahay. Ayaw ba namang ibalik sa akin yung phone ko, eh lamig na lamig na ako nun. Nag ice na nga yata pawis sa kili-kili ko sa lamig. Dun ko na sinabi sa kanya na . WALA AKONG SUOT NA……… bra.
Nilakasan ko talaga para damang dama ko yung intensity. yung power. yung rage para sa naiwan kong sabaw. At inulit ko pa ng tatlong beses. Times three din ang volume. “Ibigay mo na kasi yang phone ko. Papasok na ako, WALA PA NAMAN AKONG SUOT NA……..BRA…….” Ganun na lang ang pagkagulat ko ng may sumulpot na lalakeng hokage sa likod ng ornamental plant.
Si Joshua. Bakas sa mukha niya ang ngiting tagumpay. Narinig niya lahat. LAHAT LAHAT LAHAT!
at tuluyan na nga akong namatay in fetus position.
(Insert soundtrack ng………Forevermore)















