Madalas akong napapatambay sa Femalenetwork ngayon dahil sa isang post na sinusundan ko dun, and since nandun na rin, nagbasabasa na din ako ng forums.
I found this one about in-laws:
Silent feelings to your in-laws, Post it here!
Yung iba okay pero karamihan negative, yung iba SOBRANG negative,hahaha!
Ito yung ibang naka-post:
MIL, salamat po sa 10k sa wakas nakapagshopping na ang manugang mong hindi sinusopartahan ng anak niyo.
I love you po.
sa uulitin!
dear motherinlaw, i dont know what are you doing inside our room while we're gone, i just want you to know that there is such a thing as privacy where everyone is entitled to. please respect that, i dont want my personal belongings being touched by anyone without my consent. i do hope you understand. love lots, your least favorite daughter in law
Tita's in laws: pakitigilan na ang pagsabi sa asawa ko ng "ikaw kasi maaga ka nag asawa eh!"
we're happy couples naman... prob lang talaga... wala kayo masabi... hirap na hirap kayo ipamukha sa asawa ko na mali ang desisyon nya dahil alam namin hndi kami nagkamali
belat!
malapit na naman dumating un anak nyo makikita ko na naman ang thick face nyo ng apo mo. for sure magpapaawa effect ka na naman sa anak mong uto uto. sarap ng buhay mo no? without lifting any finger may sustento ka. pasalamat ka anak mo nagwowork kasi kun ako ni singko wala ka makukuha. saka huag ka na magpretend na miss mo mga anak ko pag wala nga asawa ko ni hindi mo madalaw ilang tumbling lang bahay niyo sa min tapos pag andito asawa ko emotera kang mahal na mahal mo sila
Dear MIL,
Thanks for the support all the times, when it comes finanacial aspect at habang buhay ko po yun nakatatak sa puso at isipan ko . Sana lang dumating ang panahon na ma-feel ko rin ang pagtanggap ninyo sa akin as part of your family..
--------
ay! ang drama ko...
to my in-laws,
sana wag nyo kaming papangunahan on our decisions as a married couple. we're old enough to stand on our own. thanks for your opinions but honestly we don't need it. WHY? kasi napaghahalata na gusto nyo favorable lagi sa side nyo and may mapapala kayo... and isa pa, ayoko nga tumira sa inyo... masyado kayo mapuna kahit maliit na bagay... grrr!!! my parents love your son soooo much, actually more than they love me pero ako haaayyyy..
(di ko na na-track sino mga nag-post, pero nandun naman yung link naman ng thread eh ^)
Di ko masabing nakaka-relate ako, di ko rin masabing hindi.
Di pa kami kasal talaga so I guess I can't call them my in-laws yet (in-laws na hilawika nga). We're living in their house (2 months pa lang naman) and so far wala pa naman masyadong issue (not that I'm aware of).
I don't know what his family thinks about me. Ang alam ko, ayaw nila sakin kasi may una syang kinasama dati. Ako yung 'sinisisi' nila kung akit naghiwalay sila, haaay. Di ko lang alam ngayon kung ganun pa din tingin nila. That's one of the reasons why ilag ako sa kanila. Dun nga kami nakatira pero as much as possible I don't talk to them. I just watch and listen to them.
So far, wala naman akong hinanakit sa kahit sino sa kanila, sa tingin ko kasi bago naman dumating sa kanila ang conflict eh samin munang dalawa dapat maayos na, unless di mapipigilan.
Well, yung tungkol naman sa thread, nakakalibang lang basahin. Napapaisip tuloy ako kung ganun ba talaga kagulo magpakasal? Gann ba talaga kagulo makisama sa pamilya ng iba? Ganun ba kamiserable yung pwedeng maging lagay mo lalo na sa in-laws mo?
I mean... ewan, sa pamilyang kinalakihan ko kasi, parang hindi ganun. Well, sa parents ko kasi, both sides ok sila pareho, kaya smooth na smooth lang. When it comes to our Titos and Titas, well ... harmonious naman eh. I mean, even my grandparents know when to get in between the couple and when not to meddle. Hinahayaan nila yung couple, ika nga nila - hindi na sila bata. Plus, they respect others opinions and they know when to say their opinion and when not to.
Sabi nga nila, you can't have it all. Maybe you have a perfect partner pero monster naman ang in-laws mo. Pantay pantay lang pre, hahaha!
Dito kasi sa tumblr, hindi pa usapang asawa o pamilya ang nandito eh, karamihan kasi mga college o high school students pa lang. :) Nag-eenjoy pa sa kabataan nila. Walang pwedeng tanungin ng "Ikaw, anong masasabi mo sa in-laws / asawa mo / living arrangements nyo?"
Well, anu't-ano man, sana hindi maging ganyan kagulo ang lagay ko -_-