""Malayo pa ang hantungan patungo sa paghihilom ko ng tuluyan mula sa mga sugat na idinulot nang 'yong paglisan. Matagal pa bago ko tuluyang malimutan ang tono ng dati nating tugtugan. Pero di ako titigil mabuhay. Oo, masakit pa. Pero susubok na akong tumahan. Wala na akong iluluha pa. Wala na akong ilalaban pa. Haharapin ko na ulit ang sarili ko nang mas may tapang. Yung para bang handa na ulit sa bakbakan. Haharapin ko na ulit ang bukas na tila ba meron na akong bagong pag-asa. Pag-asang makakabangon na ako ulit mula sa pagkakadapa ko nung bumitaw ka. Pag-asang makakalakad na ako ulit mula sa pagkakapilay ko nung umalis ka. Pag-asang makakangiti na ako ulit mula sa pagluha ko nung sinabi mong ayaw mo na. Mahal, lahat ng ala-ala mo saki'y bago pa. Tuwing maririnig ko ang pangalan mo'y may hapdi pa. Masakit parin tuwing sinasampal ako ng katotohanang wala ka na. Namamaga na nga yata ang pisngi ko kasi ang tagal kong matauhan mula sa sampal ng tadhana. Hindi ko alam kung gaano katagal pa. Pero susubukan ko na. Kakayanin ko na. Nang wala ka. :) Sana."" - krysh, "Kaya ko ng wala ka"













