Bye 2017 Essay Entry
Isang taon na naman ang lumipas. Masasabi ko na sa apat na taon kong pangungulila kay Ligaya, ngayong 2017, naramdaman ko na may pag-asa pang mahanap ko sya ulit. Hindi naging madamot ang tadhana sa’kin ngayong taon. Mas lalo kong nakilala ang sarili ko. Year for character development ata ‘to para sa’kin, e. Aaminin ko sobrang naging selfish ako. Inuna ko sarili ko sa lahat ng pagkakataon ngayon. Pero masaya ako. Masaya ako na ngayon alam ko na kung anong gusto ko. Medyo nakikita ko na yung maliwanag na future. Di sya ganon ka-bright pero at least, may picture na. Hindi na ako lost. Unti-unti ko na rin natatanggap na hindi na ko magiging cardiothoracic surgeon. Pero in exchange, magiging teacher ako. Kakaiba talaga galawan ng tadhana e. Wala akong hawak na scalpel, pero I can still save lives! Excited na ako maging teacher this 2018.
Balak ko talaga magturo sa isang remote area. Gusto ko man sabihin na ang pagtulong talaga ang unang reason kung bakit gusto ko magturo sa malayong lugar, hindi totoo yun. Gusto ko lang talaga lumayo muna sa Manila. Gusto ko dun sa tahimik. Sobrang daming ganap dito e, for a change, kailangan ko ng uneventful life. Magtatago lang din ako sa mga kamag-anak ko na ang lakas mang-pressure tungkol sa pag-aasawa. Mga hindot, allergic nga ko sa commitment. Haha, share ko lang, kinasal pinsan ko last week, at nung narinig ko yung wedding vows, dun ko narealize na hindi talaga para sa akin ang marriage. I’m bad at keeping promises.
Ang dami ko nang naidaldal. Ang point ko lang naman e, since 2013, itong taon na ‘to yung best. Masaya sya. AT SA WAKAS GUILT FREE KONG IIWANAN SA TAON NA TO LAHAT NG TOXIC NA TAO SA BUHAY KO!!!!! (di kasama ang annoying relatives though, haha hirap kasi hindi napipili ang pamilya) Anyway good bye sa lahat ng fake friends at fake love. Hindi ko na kayo mamimiss. Pramis.
TO A WONDERFUL 2018!!!!!!!!!!!!!!!!!!




