There is a TANGINA THIS! in All of Us
Lahat tayo may kinabuburyohan sa buhay. Minsan yung kupal na kapitbahay, ating kinaiinisan. Pwede rin yung mga kupal na ka-trabaho sa opisina. Hindi rin pahuhuli ang mga geniuses na inilagay natin sa pwesto. Iba't ibang tao, iba't ibang badshit. Bawat oras, bawat lugar, may kakupalang nagaganap na kung saan may isang tao ang napapailing nalang at naawa sa sarili. Kung may ratio niyan, 20:1 siguro; Sa bawat benteng taong may ngiti sa mukha, may isang malungkot at pabagsak na ang luha.
May mga moments na kung saan talagang ayaw na natin, suko na tayo tol, takbolelets na sa ating bigat na pinapasan. Yun, ladies and gentlemen, kung saan nasasabi nalang natin na "TANGINA THIS!". Minsan naman, kapag talagang awang awa na tayo sa ating sitwasyon o sa ating sarili; "TANGINA THIS..." nalang ang lumalabas sa ating mga pagod na hininga.
Nagasgas na parang mukha ni Kris Aquino sa mga tv at print ads ang idea na ito. Kumbaga, diluted na tsong. Devalued. Kung ilalagay mo sa context ng Economics: wala nang halaga kasi binaha na ang merkado nitong produkto, malaki nga ang demand, sobra naman ang supply. Worthless. Sawa na tayo. Ayawan na. Boo!
Hindi na naman bago ang pagmumura bilang release ng ating mga mainit na saloobin. Katulad nalang nito:
(gumagawa ng sibat ang taong tabong si X(er))
X: Tangina! Ayos to! Matulis! Mahaba! Matibay! Malayong malayo kumpara sa nasa loob ng bahag ko pero shet, siguradong makakaakit ng chicks ito pare, guaranteed!
(naputol ang ginagawang sibat ni Xexer bunga ng kanyang bigay na bigay at pwersahang pagpapatulis ng kanyang sibat)
Ano na lamang ang nasabi ni X?
X: TANGINA THIS!!! Paano nako kakain nito mamaya?
Heto pa, isa pang example:
(1990s tsong, habang pinapanood si Ynez Veneracion at si Glydel Mercado. Isama na din natin si Osang.)
Boy Jack: TANGINA MALAPIT NAKOOOOO!!!
Tuwing sasabog ang emosyon, hindi talaga mabigyang hustisya ng pangkaraniwang salita ang ating nararamdaman. Kailangan natin ng obscene, yung expressive, yung intense, yung talagang masasabi mo ang tunay mong nararamdaman sa isang bagsakan lang.
Unwritten rule na siguro yun. Pero sasabihin ko nang may tama talagang paggamit ng mga salitang ito. Kung aaraw-arawin mo lang; bababa ang halaga ng salitang ito hanggang sa nawala na ang kamandag na dala nito. Overkill kung mumurahin mong tunay ang iyong nabiyak na kuko o pagbreak mo ng syota mo, ang tawag diyan pre: Kasama sa paglaki. Pero kung nasibak ka sa trabaho, wala kang matuluyan, tapos wala pang makain, aba tol, isigaw mo lang at ilabas mo sa mura ang buong baga mo; may karapatan ka na niyan.
Pero, diba nga, biglaan ang pagdating ng emosyon. Reaction na iyan--instinct--na gawin tuwing matitiyempuhan ng malas. Iba't ibang form ng malas ang bumibisita: kadalasan saglit lang, minsan sapat na upang tayo'y magpakamatay. Tulad nga ng title nito, lahat tayo meron nito. Kasama sa ating pagkatao ang mainis at mapamura. Ngunit wag naman sana natin abusuhin.