So bago ako magdrama, ikekwento ko muna yung mga nangyari kagabi. Late akong dumating kasi from work pa ako. Dapat sabay kami ni @mckorney kasi from work din sya kaso sobrang haba ng pila sa MRT Ayala. As in sobrang legit nung pila, kaya nagbus na lang ako. Medyo natagalan ako makasakay tapos medyo punuan kaya nakatayo ako. Good thing andun lang ako sa first seat, sa may PWD. Pareho silang bumaba sa Evangelista kaya nakaupo rin ako. Nakarating ako ng MOA minutes after 9pm. Tapos naglalakad na ako papuntang concert grounds, yung ticket ko nakay @shunyown kaya tinanong ko sya kung saan ako pupunta. Sabi nya starbucks, tapos sa may classic savory daw ganun. Tapos may nakita akong guard, tinanong ko kung saan yung entrance gate ng gold tickets, tapos tinuro nya diretso lang daw. Pagdating ko sa gate, sa kabila pala ako pinapapunta ni Shun. Hahahaha. Pupunta na sana ako sa kabila kaso sabi nya, sya na lang daw pupunta sakin. Pagpasok ko, nakita ko na sina @cheesethrills, @aranola, yung tropahan nila. Tapos itong si Ara ang salubong sakin, "Andito ex mo. Kasama gf nya." Nagulat ako. Kasi nawala rin sa utak ko na may possibility na magkita kami dun. As in wala talaga. Tapos natatawa sila kasi nga first time namin magkikita-kita since nung naghiwalay kami. Tapos nagjoke ako na uwi na lang ako. Hahaha tapos tawa silang lahat. Maya-maya nakita ko na rin sina @walangurlsiada, nakita ko na rin si Danz kasi nga nauna na sya sakin. Tapos maya si @angelasiopao tapos si @jansenjansenjansen pala kasabay ko pumasok. Lol. Eh di ayun, tugtugan na. Madaming tao, pero keri lang naman yung init. Di naman ganun kainit like I first imagined. Tapos nagsidatingan na rin yung iba, nakita ko na rin yung ibang mga bloggers like @dumadalandan, si kate, si geron, @vincentangpangalan and blabla. Eh di mas magulo, the more the merrier di ba? Tapos naalala ko nung kumakanta si Kean Cipriano, kawawa si @xhydrokulit kasi wagas yung hampas sakanya ni Mikka. Hahahaha. Buti na lang hindi ako katabi. Pero di ako nakaligtas sa kakulitan nina Shun at Vincent kasi nasa may unahan ako nun, kasama ko sina Mikka. Tapos nakalimutan ko kung sinong artist yung kumakanta tapos bigla silang nantulak. Tangina, as in sobrang subsob ako paunahan. Ni di ko na nga kilala yung nasa harap ko. Ang sakit ng parehong balikat ko. After nun, pumunta na ako sa likod kasi ayoko na talaga maipit. Napagalitan naman sila. Hahaha ang kulit kasi tangina yan. Tapos sumayaw si Ella Cruz, takbo paunahan mga lalaki. The usual. Hahaha. Tapos nagbantay na lang din ako ng mga bags at one point kasi tinatamad na ako tumayo kasi pagod na ako tapos medyo inaantok na rin. Tapos dun ko rin nakausap si Angela kasi nakaupo na lang din sya. Habang yung karamihan nakatayo kasi di pa nauubusan ng energy. Maya-maya lumabas yung JaDine. Pareho kaming nakaupo lang tapos rinig na rinig pagkakalat ni Nadine. Hahahaha. Lip synch gaming, binawi na lang din sa sayaw. Alam ko kasi may wide screen naman e, dun na lang ako nakatingin. Tapos wait naalala ko pala si Gloc-9, fave artist ko yun e. Pati si Sarah G. Ang labo ng kwento ko, kung ano lang kasi maalala ko yun na lang binoblog ko. Hahahaha. Tanda ko pinatikim din sakin ni Danz yung binibili nila sa tanduay. Hahaha ayoko sana kasi may alak nga tapos sabi nya, wala talaga. Tapos ininom ko, sobrang tamis. Ni hindi ako umiinom ng juice na ganun katamis. Pero di pa rin ako uminom kasi masakit sa lalamunan. Yung tubig 35 pesos. May nabili pa si Danz na tubig daw pero mas maraming yelo. Literal. Kaya ayun napagtripan pa nila yung mga yelo. Hay nakakapagod tumawa kagabi. Sobrang nakakatanggal stress sa work. Hanggang kumonti ng kumonti ang mga tao kasi late na rin naman. Fast forward na tayo. Almost 3am, halos wala nang tao sa gold. So pwede na kami makapunta sa unahan. At dahil matagal na rin akong nakaupo, tumayo na ako. Tumutugtog nun yung sa Urbandub. Hindi ako familiar sa mga artists talaga, mas gusto ko lang makinig ng kanta. Tapos may kinakanta nun, tinanong ako ni Danz kung alam ko. Sabi ko hindi, pero pinapakinggan ko. Tapos g na g sya bakit daw di ko alam blablabla. Hahaha tangina yan. Kasalanan na ba na di alam ang kanta? Pero gandang-ganda ako dun sa kanta kaya kanina pinakinggan ko ulit. Kasi yung kanta para sa mga ex na walang kwenta. Hahahaha hugot na naman ako dun sa kanta e pero maganda talaga. Tapos naalala ko pa performance ni Donnalyn Bartolome. Hahahaha narinig ko ulit yung happy break up. Hahahahaha. Past 3am, paalis na kami. Group picture muna with Cha and Jake tapos paalis na kami, nasa may exit na. Tapos last band, Chicosci. Hahaha akala ko talaga titigil pa e. Pero hindi na, napatingin lang tapos alis na. Papunta kamig McDo sa Blue Bay. Malayong lakaran ulit. Hahaha tapos habang naglalakad, magphophotoshoot sila kasi syempre wala nang mga sasakyan, maganda lighting. Ganon. Meron pang mga kasama na photographers edi syempre g talaga sila. Hahaha maya-maya itong si Shun biglang tumawid. Puta papakamatay ata e. Tapos di sya agad makatawid papunta sa kabila kasi may harang pero pinush nya. Tapos kami tawa na lang ng tawa. Pagdating ng McDo, kainan na. Gutom lahat e. As usual si Vincent nagpapalibre ng fries. Pero di ako bumili, sya may birthday e. Tapos ayun tawanan ulit ganito ganyan. Then maya-maya, nagsiuwian na. Sabay-sabay pa kami sa bus nina Geron, Shun, Mika, Jansen at Danz at medyo natagalan kami kasi medyo mailap din yung aircon bus na papuntang Novaliches. Tapos habang nagbabayad kami, itong si Geron napakakuripot. Nahingi ng discount sa pamasahe. Hahaha, pinagbigyan naman sya nung konduktor kasi estudyante nga naman. Pero walang tatali kay Mika, "magkano po ang megamall?" Hahahat tapos sinagot sya ng konduktor "nako mahal yun" hahaha tawanan ulit. Tapos ayun, pagdating ko ng bahay, nakatulog naman ako agad. Ni hindi na ako nakapagbihis. Sobrang enjoy talaga yung Fusion. Ang dami ko pang naalala pero tinatamad na ako mag-insert. Not bad for my first music concert to attend to dito sa Manila. Sana maulit ulit, tapos sila ulit kasama ko. Pero mas gusto ko muna matry manuod ng gig na puro lang acoustic. Yun muna siguro. Hehee. Basta thank you sa lahat ng nakasama ko! The best talaga kayo!