Liham para sa'yo.
Dear minamahal, Kay gandang araw sa'yo. Ilang araw na ba ang nagdaan nang huli tayong magkita? Alam mo bang, iniisip pa rin kita? Siyempre hindi. Pero, Oo, hanggang ngayon iniisip pa rin kita. Hanggang ngayon, nasa isip ko pa rin ang mga huling salitang sinambit mo noong huli tayong mag-usap.
Sabi nila, ang sarap daw sa pakiramdam na may nakakaalala sa'yo. Ang pinagtataka ko lang ay, bakit ganoon? Parang hindi ka naman masaya ‘pag naaalala kita. Bakit tila mas lalo kang umiiwas? Life is unfair talaga. Hindi lahat ng bagay na na-experience ng iba ay dapat ma-experience mo rin.
Kaya eto ako ngayon, nakaupo’t nakasandal sa pader. Pader na tanging nakararamdam at dumadamay sa sakit na aking nadarama sa tuwing naaalala kong, hindi ka masaya ‘pag naaalala kita.
Kaya eto ako ngayon, pilit na bumabangon at lumalaban sa nadaramang lungkot na dulot mo.
Kaya eto ako ngayon, pag-agos ng luha sa mga mata'y pilit na hinihinto.
Sa nalalapit na pagtatapos ng liham kong ito, nais kong humiling sa'yo sa huling pagkakataon. Hiling na sana'y tulungan mo akong sa Kanya'y ipanalangin na, kahit saglit makalimot ako’t pangmatagalang patayin ang nadarama sa'yo.
Nagmamahal, Ako… Sa'yo.
[ps. Trip lang po ito. No hugots for this. Btw, this is new version as in v2.0 ^^ ]
Y













