Ito na nga ba ang pagbabalik?
Olamia! Ang korni man pakinggan, pero totoo namang namiss ko talaga ang pagtutumblr. Huwag kayong mag-alala, okay na okay ang buhay pag-ibig ko. Pero syempre hindi naman maiiwasan ang konting tampuhan at ilan-ilang hindi pagkakaintindihan. Hindi ko din alam kung bakit sinasabi ko pa 'to.
Palagay ko, mabubuhay itong gagawin kong pagbabalik dahil sa mga problemang hindi ko kayang maishare sa lahat, ganun naman talaga di'ba? Naghahanap tayo ng ibang pwedeng paglabasan ng problema kapag ayaw nating makasakit ng iba, okay ng kimkimin muna natin yung problema huwag lang tayong magmukhang kaawa-awa na pilit humihingi ng oras sa iba, para syempre kunyari STRONG tayo.
Ang ilan sa mababasa niyo dito ay manggagaling sa mga lumang accounts ko na hindi ko na maalala ang email at password na ginamit ko.
Ulitin ko lang, okay ang buhay pag-ibig ko, pero palagay ko, kaibigang tunay ang wala ako.










