Ikaw lang ang_________ ko!
seen from Finland
seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from Switzerland

seen from Germany
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from Switzerland

seen from Slovenia
seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Slovenia
seen from United States
seen from Germany
Ikaw lang ang_________ ko!
“Ang Istorya ni CAPTAIN at ng kanyang minamahal (Number 1 LOSER)”
May mga bagay sa mundo na hindi natin kayang masagot tulad ng mga bagay sa buhay natin na naghahanap ng kasagutan. Pinili kong lumayo sa buhay na kinagisnan ko upang malaman ang mga kasagutan sa mga tanong ko at para makilala pa ng husto ang aking sarili. Sa paglalakbay na yun hindi ko alam kung saan ako tutungo, kung saan ba ang daan na tatahakin ko, walang kasiguraduhan kung ligtas ba ang daan na napili kong daanan pero kapag naiisip kita hindi ko inaalintana yung mga pagod at pagsubok na haharapin ko sa paglalakbay na ‘to. Sana kasama kita sa bawat hakbang ko sa paglalakbay ko NUMBER 1 LOSER.
Sa paglalakbay ng isang tao hindi mo maiwasan na makakita ka ng hindi mo inaasahang mga taong naging bahagi ng buhay mo maganda man o pangit yung karanasan na kasama sya. Kailangan mong tanggapin na kahit minsan naging bahagi din sila ng buhay mo at hindi mabubura yun, dahil hindi yan katulad ng isang camera ngayon na pwede mong makita agad yung picture at kapag ayaw mo pwede mo ng burahin agad.
Ginusto kong maglakbay ng mag-isa na walang kasiguraduhan at tahakin ang daan upang kilalanin pa ang sarili ko, kasi naisip ko na hindi sapat na kilala ko lang ang sarili ko dapat alam ko kung ano pa yung bagay na kaya kong gawin na hindi ko nagawa na kasama ang pamilya, kaibigan at minamahal ko. Naalala ko tuloy si NUMBER 1 LOSER sa simula ng paglalakad ko, paano kaya kung hawak ko ang kamay nya ngayon gugustuhin pa kaya nyang bitawan ‘to o hindi na, isa lang yan sa mga katanungan na gusto kong masagot sa darating na panahon habang naglalakbay ako peron habang naglalakad ako may nakita akong 2 puno na magkatabi na parang sinasabing “walang iwanan kahit anong mangyari”, naalala ko ulit si NUMBER 1 LOSER kasi sya yung tipong tao na nagpapakatanga sa lahat ng bagay, na akala nya matapang na sya dahil nakakaya na nyang harapin ang buhay na walang tulong ng sinuman pero sa pagtingin ko sa 2 puno na yun napansin ko na parang yung isa babagsak na at ang tanging sumusuporta na lang sa kanya ay iyong isang malaking tangkay na isang puno at kapit kapit o nakadikit sa katawan nya. Minsan may mga bagay talaga tayong hindi inaasahan na magbibigay sa atin na lakas upang masabi na “MAGANDA PALA ANG BUHAY” kahit nahihirapan ka na basta may isang taong susuporta sayo lahat pwedeng maging ok.
Sa pagpapatuloy ng paglalakad ko unti-unti kong nakikita ang isang bughaw na langit na parang sinasabi na halika tingnan mo ang ganda ng mundo na meron ka ngayon na dapat ka bang mag-alala dahil lumayo ka sa isang taong mahalaga sayo, pero sabi ko “Dapat ba talaga akong mag-alala? Meron ba akong karapatan?” at sa paglalakad na yun unti-unti ko na nga nakita ang ganda ng mundo na hindi ko alam nakarating na pala ako sa isang tuktok ng bundok, naalala ko ulit si NUMBER 1 LOSER. kasi nasagot ko na yung tanong ko kanina, na hindi dapat ako mag-alala sa kanya dahil ngayon alam ko na kahit wala ako sa tabi nya matapang na sya dahil sa mga pinagdaanan ng buhay, sana nakikita din nya ang ganda ng mundo na nakikita ko ngayon.
Nakakapagod din palang maglakad-lakad na hindi mo alam kung saan ka papunta, hindi ko napansin ang unti-unting paglubog ng araw, na dumidilim na pala at kailangan ko ng maghanap ng matutulugan, bigla kong kinuha ang wallet ko para kumuha ng pera, pero naalala ko wala nga palang tindahan dito at kung meron man malayo na kaya kailangan kong mabuhay sa alam kong paraan at yun ang paghahanap ng makakain, wala akong training sa ganto pero yun ang kailangan para mabuhay, nang biglang nalaglag ko yung wallet ko nabuksan at nakita ko yung picture ni NUMBER 1 LOSER na kasama ko, naisip ko sya bigla kumain na kaya sya? o kumakain kaya sya? hay lagi nya talaga akong pinagaalala. (ipagpapatuloy…)
Hey You ^^
Ano follow mo na ako ^^
pakyu with passion
lately gerginne came here in my place with her little Bro.(awin).ang gwapo nitong batang to aba. then pagkaalis nila I texted her, and said "ya! bakit kasma mo alaga mo?" and she replied "pakyu with passion" (hahahaha she means ILOVEYOU :P). natatawa na alng ako pag sinasabi namin na muka syang yaya ng mga gwapo at mapuputing kaptid:)
habang nglalakad sa kalsada magka HH kame nii gerg
gerg:sana sayo na lang ako maissue
ako:(nagulat)
ayun natawa na lang kame
movie marathon
pag talaga walang plano plano, lagi na lang natutuloy noh?. so lately, napagtripan lang na magmovie marathon, parang bonding na din namin dalwa ni gerg?.. wala naman kasing gagawin sa bahay. so bili kami ng snacks.. as in andami naming foods :)) naubos namin yun dlawa. ganun kame katakaw:D hahahaha.ndi a nga natatapos yung isang movie e ubos na agad yung snacks namin.
una namin pinanuod ung paranormal activity3. grabe yung scream namin gawa ni toby nyiii! grabe nkakagulat sayang hindi ipinakita si TOBY. after that wrong turn4 nman. nandiri kame nung una pero maya maya nawala na din yun dahil sa muka namang ndi totoo yung mga blood.syempre andun pa rin yung scream hahahahaha kame pa ...antili ba nman e..