Para sa Broken Hearted Movie Review
Sanay ka na ba matamaan sa mga hugot ni pareng DJ sa radyo tuwing pinapatugtog ang dedicated song niyo? Tipong parang tugmang-tugma na ang soundwaves ng kanta sa lalim ng sugat na iniwan niya sa puso’t isipan mo. Parang kesa sa tumibok ang puso mo dahil alam mo, na may buhay pa, may bukas pa, may iba pa dyan na kaya kang mahalin sa parehas na lebel na kaya mong ibigay sa kanila... Kirot, kirot sa puso—sa bawat segundo na wala siya sa tabi mo.
(Isisingit nalang sa Diary Entry nung October 7, 2018)
Sa buong akala ko, kanta lang talaga ang magpapatama sa akin sa kung paano ako nagmahal, nasaktan at nahihirapan mag-move on. ‘Yun pala, movie lang na “Para sa Broken Hearted” ni Marcelo Santos III ang kinailangan ko rin. Isang movie na puno ng leksyon at syempre, hugot, tungkol sa kung paano mo masusurvive ang sakit na pinaramdam sayo ng taong dati kang sinasabihan na mahal ka niya at ngayon ay halos hindi ka na kilalanin.
Akala ko, hindi ako iiyak dahil handang handa naman ako pinuorin yung movie kase nabasa ko na yung libro, pero masasapul ka talaga sa scenes minsan e. Mga scenes na umiiyak ka sa tapat ng isang resto o mini bar, kaen lang nang kaen, nakikinig ng sad instrumentals, iyak nang iyak—nagmumukhang tanga.
May mga scenes pa na mapapathrowback ka pa sa mga oras na magkasama kayo ni Jowa. Pero ika nga, throwback lang sila ngayon kase, wala na. Pero after all the stories na naibahagi ng iilang tauhan sa movie, mapapaisip ka. There’s more to love than getting hurt. I-reready mo kase yung sarili mo dyan; i-reready mo ang sarili mo na masaktan dahil sa paniniwala ko, ang taong pinakamahalaga talaga sayo ang taong makakasakit pa sa damdamin mo na di kaya ng ibang tao.
Ready your tissues kapag manunuod kayo ng Para sa Broken Hearted.
Mula cinematography hanggang sa pag-arte ng mga characters, gawa para sayo, para sa mga broken hearted na katulad mo. Isang movie na nakikiramay sa nararamdaman mo, at isang movie na tila parang naging kaibigan mo na sa mga payo at hugot na meron siya.