Umaga na naman. Lumabas agad ako ng bahay kasi walang signal sa loob ng bahay. Tapos naalala ko wala ka nga palang load. Paano nga naman ako makakareceive ng text eh wala ka ngang load. Ayaw ko ng magoverthink. Pero hindi mawala sa isip ko ang mga pangit na bagay. Hindi ako nakatulog ng ayos kagabi dahil yung utak ko puno ng tanong. Mga tanong na hindi ko naman maitanong sa iyo. It's either kasi magagalit ka o maiinis ka. Kelan ka na ba sumagot sakin ng derecho? Isasagot mo lang sakin na para akong tanga, nagbabata bataan na naman ako at kung saan ko na naman nakuha itong mga tanong ko. Eh putang ina, kung sumagot ka kaya ng ayos at derecho. Galit na galit ka pag ang dami kong pasakalye pag sumasagot sayo. Look who's talking. Nagagalit na naman ako sayo. Ay mali. Tampo pala. Nasasaktan ako. Feeling ko kasi nabalewala na naman ako kahapon. 😢