There are things na dapat mong matutunan hintayin, at mga bagay ding dapat mong bitawan at wag mo ng pagaksayahan pa ng oras at panahon. Hindi dahil sa wala ng pag-asa pero kasi klaro na sitwasyon na hindi kayo para sa isa’t-isa, hindi para sayo yung chance na yan, hindi para sayo yung goal na yan, hindi yan ang forte mo, hindi kayo pwedeng pang long time, hindi kayo fit, hindi kayo bagay, hindi ka magaling sa ganyan kasi mas better ka sa ganito, hindi dahil sa hindi pwede eh dyan ka lang forever, or what they called “forever alone” kuno. What I’m try to say is, learn to accept the fact that you are not fitted with those things or person God removed from you. Hindi dahil inalis niya eh masama na yung tao yung sitwasyon na yun at kakalimutan mo na, maybe you should learn din to forgive and make it an inspiration kasi naging strong ka din naman sa sitwayson na yan.
Learn to forgive yourself - hindi dahil hindi kayo fit eh iisipin mo ng may mali sayo, or hindi ka karapat dapat mahalin, or hindi ka maganda, hindi ka gwapo, hindi ka talented or smart katulad ng bago niyang gusto, hindi pa sapat yung mga effort mo or what. Or hindi tama yung pagkakasagot mo interview kaya hindi mo na kuha yung posisyon na gusto mo, or trabahong pinakakamkamtan mo. O kaya hindi mo natupad ngayon yung goal na matagal mo ng inaasam. Hayaan mong hilumin ka muna ng sitwasyon at unti unti mong patawarin ang sarili mo sa failure na nagawa mo sa isang tao or sa isang bagay, pero wag na wag mong sisihin ang sarili mo okay?
Learn to love yourself again - Hindi purkit iniwan ka, iniwan ka sa ere, sa lupa, sa kalye, mag-isa, umiiyak, lugmok, or ano pa yan. Nagdradrama drama sa gabi, paiyak-iyak habang iniisp kung ano pa ba ang mga bagay na hindi mo nagawa kung bakit nangyari yung sainyo o sayo. Or kung bakit hindi mo nakuha yung bagay na yun. Eh hindi purkit ganun e hindi ka na worthy para mahalin at hintayin ng kung sino mang nakatakda sayo. Ehem! hindi lang naman yung nakatakda sayo yung magmamahal sayo at hindi lang naman yung nangiwan sayo yung pwedeng magmahal sayo, ehem! may mga magulang ka, kaibigan, si Lord! at syempre pwede ka pa mabuhay ng sarili mong mga paa. Sarili mong puso at kaluluwa joke! haha
Pero ayun nga hindi purkit nangiwan, naiwan, nawala, nasaktan, naiwan sa ere, or kung saan saan man eh hindi ka na magmomove on. At hahayaan mo na ikaw nakasilip sa bintana naghihintay sa wala. Know your worth dear. You deserve to move on, healed and be happy again. Love yourself first and everything will be in the next chapter of your life.