Minsan mapapatanong ka nalang kung bakit yung iba sobrang sweet. Yung iba may surprises. Mapapaisip ka, bakit ikaw wala, eh mahal nyo rin naman yung isa't isa ahh. Bakit sila may mga ganung pictures, bakit sila may mga sweet moments. Pero bakit kayo ayan, sweet lang sa chat minsan, madalas pang nag aaway pero you keep on telling to one another na mahal nyo yung isa't isa. Minsan lang talaga hindi natin maiiwasan mainggit sa lovelife ng iba. Kasi sila masaya, yung kanila nakakakilig pero yung sayo. Ayan nandyan lang parang tropa lang. Minsan mag aaway lang para magpalambing tapos nun pag okay na wala na ulit. Back to normal na... Parang kami, hindi ko minsan mapigilan itanong sa isip ko na bat sila ganun, bakit kami wala. Bakit yung iba ang sweet sweet nila bakit kami hindi pwedeng maging sweet? Bakit sila kahit simpleng surprises meron, bakit kami puro surprises... Surprises na away, biglaang tampuhan, biglang hindi nalang kikibo, biglang mawawalan ng gana? Bakit kaya? Anong mali? Kung titignan ko parang wala naman. Pero bakit ganun? Parang switch yung relasyon namin... on-off on-off. Anong mali? Sakin ba? Masyado nanaman bakong nagiging mahigpit? Pero hindi eh, kaya lang naman ako nagkakaganito kasi kung magpaalam sya laging yung nandyan na. On the spot, so makakahindi paba ako? Tas kapag humindi ako anong sasabihin ng friends nya? Na KJ ako? Na ang higpit ko? Pero paano naman yung side ko ang unfair naman sobra. Buti sana kung emergency yun. Hindi ko na minsan alam gagawin ko, siguro mag li-lo muna ako sa kanya. Bahala na, kung anong mangyare. Napapabayaan ko nanaman yung pag aaral ko. Kaya focus na ulit.