Sa isang relasyon, hindi laging sapat na kapag mahal mo, ipaglalaban mo lalo na kung ikaw na lang naman ang lumalaban sa relasyon na meron kayo. Paulit ulit mo pa bang ipipilit ang sarili mo sa taong hindi na nakikita ang halaga mo? Kung hindi ka na pinapahalagahan, awat na, bitaw na, lalo na kung hindi ka na parte ng happiness niya. Mas masasaktan ka lang kung ipagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa taong ayaw ka nang makasama. Maaaring dumating lang siya sa buhay mo para makilala mo, hindi para makasama mo hanggang dulo. Be mature enough para palayain ang taong hindi talaga nakalaan para sa'yo. Masakit pero kailangan. #GoodnightPhilippines #12142020 https://www.instagram.com/p/CIyAZidFPUToNkmSESpM8RDy26xGXK6xR6h3Zs0/?igshid=5wl534i437s1