Alam niyo ba, dalawa yung class ko for today, dapat isa lang talaga pero nagpamake-up class si mayor. So ayun, hindi kami nakapasok kasi kailangan namin mag-data gathering sa mga bookstores around Manila. Tapos nalaman ko na, may plus points sa mga subjects na yun; for AIS 7 points tapos sa GovAcc 5 points.
Hindi ko alam kung manghihinayang ako o ano pero kasi may napala kami sa paggagala namin sa may Recto kanina, andami namin nakuhang data kahit ang sungit nung iba kaya inalisan na lang namin.
Iniisip ko na lang na, mataas yung grades ko sa mga exams na yun at hindi ko kailangan ng plus points. Think positive. Nagtanong nga pala ako sa kaibigan ko, 81 ako sa AIS Lec at 86 sa AIS Lab, so pwede na ano? Hindi na kailangan ng 7 points. HAHAHAHAHAHA nakakaproud kasi 'di talaga ako nag-aral dun pero mataas ako. Try ko kaya ulit sa Midterms? Charot lang! Uso mag-aral Jai ano?
Paano na kaya ung GovAcc ko? Hays, bahala na. Sana malaman na results sa Friday. Encoding of grades na nga pala ngayong araw hanggang 28, so baka first week of March which is Foundation day ay mailabas na yung grades. Balitaan ko na lang kayo.
Sana good grades sa Prelims para onti na lang hahatakin ko. Pray for me guys! Thank you! :)