At ngayon nakasakay nako ng bus pabalik ng Manila. Para akong tanga ng humihikbi. Naiiyak ako. Nalulungkot. Sobrang mamimiss ko ang Olongapo. Sobrang mamimiss ko ang mga kaibigan ko. Salamat James at Angel sa pag aya sa kin kahit taghirap tayo. Angel sobrang grabe tong ginawa mong to para sa kin. Di ko to makakalimutan. Russ, sobrang salamat sa mainit nyong pagkupkop ng pamilya mo sa min. Patreng at Chris salamat sa pagsama sa min at sa mga alaalang nakakaleche. Patreng band aid ha. Chris, pinauubaya ko na ang bata sayo. Maraming salamat sa dalawang epikong gabi na magkakasama tayo kahit naghihirap tayo. Putang ina lang. Mahal na mahal ko kayo. Ay putang ina, si ate tinanong na ko kung bat ako umiiyak. Sabi ko masaya lang ako.






