Sa pagtutula, para kang nagpapalevel ng Novice.
Pwedeng magFirst Job o magpaSuper Novice kung kaya pang magpalevel.
Parang Thief ang pag-iisip ng tula na tila pagnanakaw ng mga ideya ng kapwa dahil sa Steal.
Parang Acolyte na bigay lang ng bigay ng kanilang ideya sa iba dahil sa Blessing.
Parang Mage na idinadaan sa talino ang bagay-bagay dahil mataas ang Int.
Tila Archer na suntok sa buwan ang mga ideya dahil sa Owl's Eye.
Pero daig mo pa'ng Swordsman kung magsulat ng tula dahil in-e-Endure ang bawat minutong pag-iisip ng mga angkop na salita para magandang pakinggan.
Sa pagtutula, para ka nang Second Job kung nagpursigi at nagtiyaga.
Dahil sa pagtitiis na'to mas lumalalim at lumalakas ang kahulugan ng mga obra.
Pero umaabot din sa puntong nakakalimutan na ang paggawa ng mga tulang likas na maganda at masaya, kaya parang nagpaTranscend to High Novice.
Balik sa simula, pero may natitira pang katalinuhan kaya may "say" pa rin ang mga tula.
Tiyaga uli, puyat at masinsinang pag-iisip at pwede na uling magHigh First Job.
Isip, sulat, bura, isip at sulat uli hanggang pwedeng maging Second Job Transcendent na.
Sa puntong ito, may dalawang disisyong pwedeng gawin. Kung palilinangin pa ang pagtutula, pwede pang magThird Job para maging mas magaling at malakas ang mga obra,
O pwede ring tumigil dito at subukan pang gumawa ng mga bagong estilo ng pagtutula.
Pero sa buhay na maikli ang oras at mahirap makapag-isip, ninanais na lang na
Maging Expanded Class, para shortcut mula pagkaNovice e may tula pa ring nagagawa
Ngunit 'di na kasing lalim o kadama-dama kung ikukumpara sa una.
-Joseph Alitagtag (Group1A)