Pagkakataon sa Pagtula
Ang pagtula'y parang dice...
Itapon,
Ito'y gugulong
At babagsak sa numerong 'di mo alam.
Ako'y aasa sa magandang numero,
Ngunit,
Iba ang ibibigay
Iba ang kahihinatnan
Magulo, nakakalito, at minsan ay ikalulungkot
Pero,
Kapag binigyan ng oras,
Ang tula ko'y gaganda.
-Jeremy Caisip (Group4A)










