Hmmmm;
Kaba.
Ibayong kaba.
Yan ang nararamdaman ko habang sinusulat ko ang text post na ito. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit ko sinusulat ‘to; kung bakit ako nagbalik. Siguro kasi hindi ko lang talaga matiis ang mga tao dito sa Tumblr na inaamin ko eh naging malaking parte at bahagi ng buhay ko. Pero paano ba ko magsisimula?
Sigh.
Sa totoo lang eh wala na talaga akong balak bumalik eh. Gusto ko na lang ibaon sa limot ang lahat ng nangyari. Oo ganun ako ka salbahe, na ako lang at si Ize ang makakaalam ng mga nangyari. Haharapin ko kahit araw araw kong tinatakbuhan palayo ang konsensiya ko na dumidiin sakin sa totoo. Na mamamatay ako na kami lang dal’wa ang nakakaalam ng katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan. Pero hindi. Kasi bawat gabi iniisip ko kung paano ba talaga ako babalik dito at aminin sa lahat na nanghiram ako ng mukha; na poser ako. Laking pasasalamat ko at gusto din ni Ize ang suggestion kong iyon. Na sinusuportahan pa rin niya ako at sa lahat ng bagay na ginagawa ko; simula sa pinakamaliliit na bagay hanggang sa pinakamalaki. Kahit masakit sa loob niya’y pinrotektahan niya ko para lang ‘wag lumabas ‘yung totoo; at nabuhay kami na kaming dalawa lang. Kaya nga sobrang swerte talaga ako sa babaeng ‘to eh, grabe. Kami na talaga. Kami na lahat; pakner, girl friend/boy friend, palaaway, asawa, etc. Hanggang sa nabasa ko na lang ang mga artikulo na (ang iilan) sa inyo eh sumulat. Napamura ako sa sobrang sarap sa pakiramdam kasi kahit naman lalaki ako, eh kinikilig pa din ako lalo na dun sa mga love letters kuno para sakin. Ang sarap sa pakiramdam, grabe. Kung alam niyo lang na habang binabasa ko ‘yun eh naiiyak ako sa sobrang tuwa at galak; para bang wala ng katapusan ang kasiyahan na naidulot ng mga isinulat niyo. Hindi ko man alam kung sino sino ang lahat ng iyon pero kahit iilan lang ang nabasa ko eh sobrang halaga na sakin. Kaya kung sino man ang mailalagay ko sa susunod na post (or siguro itatag ko na lang) eh yun lang ang nakita ko. (haha, ang assuming ko naman kung madami nga ang nagsulat.)
Okay. Hindi ko naman siguro kelangan na idiscuss pa isa isa ang nangyari, kasi alam ko marami na sa inyo ang nakakaalam. Pero sige, para sa kaalaman ng lahat: opo, ako po ‘yung taong halos isang taon ding nabuhay sa isang kasinungalingan. Isang kasinungalingan na kahit kelan eh hindi ko pagsisisihan. Siguro eh kung umabot ka pa sa puntong ito ng aking pagpapahayag eh galit na galit ka na. Pero sasabihin ko sayo: huwag. Oo, tama ka sa nabasa mo. Hindi ko pinagsisisihan ‘yung ginawa ko dahil kung hindi dahil don eh hindi ko makikilala ang mga taong naging sobrang importante sa akin at sa buhay Tumblr ko.
Marahil eh maraming mga katanungan ang nabubuo sa isipan mo ngayon habang nababasa mo pa rin to. Kung bakit ko ‘to ginawa? Masasagot ito ng description ko. Kung bakit ‘yun pang mukhang ‘yun? Dun mo na din kunin ang sagot.
Pero, sino ba talaga ako? Ang totoong ako?
‘Yan din eh hindi ko muna sasabihin. Pero sasabihin ko din sa takdang panahon.
Ang kapal naman ng mukha ko nung sinabi kong wala akong pinagsisihan sa ginawa ko. Oo, wala akong pinagsisihan dahil sinimulan ko yun pero sa kabuoan, nagsisisi ako dahil sa mga kasinungalinang nasambit ko sa inyo dati. Nagsisisi dahil pwede namang sabihin ang totoo, na pwede naman ilabas ang katotohanan. Na wala akong pinagkaiba sa mga ibang sinungaling din diyan.
Ang totoo nyan eh, mali lang talaga na gumamit ako ng ibang mukha. Pero ‘yung kabuoang personalidad at kaugalian eh ako talaga ‘yun. Kung pano niyo ‘ko nakilala, sa masama man o sa mabuting way eh ‘yun na talaga ako.
Pasensiya na po sa bigla kong pagkawala.
At ngayon, andito na ko ulit. Pasensiya ulit sa di inaasahang pagbabalik. Alam ko karamihan sa inyo eh ayaw sakin kahit dati pa at siguro eh nadagdagan ngayong alam niyo na ang totoo. I know it sucks to be me. But please bear with me, with everything that I do and all that I am.
Pasensiya po sa ginawa kong kasalanan sa inyo. Sa pagsisinungaling at lahat lahat pa. Lalong lalo na dun sa mga nadamay at kahit hindi nadamay, dahil siguro na-annoy nung gabing ‘yun na nagkagulo sa dash.
Again, with knees kneeled down, I’m asking for a sincere apology everyone. I’m very sorry.
MIKOLOKO
PS. Nakabukas ang Tumblr Ask para sa kahit na anong katanungan o kahit na anong masasakit na salita na pwede niyong sabihin sakin. At oo, naka enable ‘yung anonymous button, haharapin ko isa isa.











