Dati...
Wala lang naman talaga sakin ang internet. Walang silbi ang internet namin dahil puro Dota lang inaatupag ko tsaka kung may research naman, hindi naman ganon ka lala dahil nahahanap lang lahat sa internet. Kaya naisipan kong maghanap ng bagong mapaglilibangan, yun bang makakahanap ako ng mapaglalabasan ko ng sama ng loob kapag down na down ako, kapag naman masaya ako e dun ko din ilalagay lahat. Yun bang mababasa ko lahat ng mga memories ng kabataan ko pagdating ng panahon.
Naghanap-hanap ako at nagtanong tanong kay Pareng Google kung ano ang magandang blogging platform at dun ko nga nadiskubre ang blogger, at iba pang blogsite. Nagsimula din ako sa Facebook kung saan puro Farmville at pagsulat sa notes ang inaatupag, puro mga tags din ng mga pictures ang nakukuha ko na may mga thoughts, quotes, atbp. Mga walang kwenta. Kaya nag isip ako ng iba.... at dun ko na nga nadiskubre ang Tumblr.
Sa totoo lang hindi naman ako ganon ka galing pagdating sa mga salita, nagtataka nga ko kung bakit naging "Best in Filipino" ako nung elementarya, ewan ko kung ano ang basehan nun. Pero 'yung mga unang nailathala ko dun sa dati kong blog (mikoloko) eh puro tagalog at ingles talaga. Eh purom-purong Bisaya ako. Tapos ang jejemon ko din dati, tangina. Hahaha. Kaya nung nagsimula nang maging maumay ang "blogging life" ko, nagsimula akong mag follow ng magfollow ng blogs, hanggang sa napadpad ako sa mga iilang blogs na naging kausap ko, katambay, katext at kaconference sa telepono. Andami dami naming mga masasayang alaala at ang sarap talagang alalahanin ang lahat ng 'yon dahil di ko inakalang ang mga kaibigan pala eh hindi lang sa personal makikilala kundi pati din sa Internet. Ang sarap ng feeling, 'yun bang alam mong may mga taong andiyan para sa'yo kahit ano ang mangyari. 'Yung makikipagshare sa kagaguhan mo sa buhay at sa panahon ng kasiyahan at kapighatian, hindi ka pa nakakalingon eh andiyan na sila mismo sa harap mo. Basta, ang sarap. <3
Laking pasasalamat ko din dahil dito ko nameet 'yung isang taong nagpabago sa takbo ng buhay ko. Isang taong hinding hindi ko makakalimutan buong buhay ko, pwera nalang siguro pag nagkaamnesia ako (pero sigurado akong maalala ko pa din sya hahaha). Isang taong tumulong sakin para magbago, para magpakatotoo, para mawala ang katorpehan (hahahahha!) at isang taong nagmahal at patuloy akong pinapaniwalaan sa kabila ng panloloko ko sa kaniya dati. At bilang kapalit sa lahat ng 'yon eh papatunayan ko sa kanya at sa mga taong hindi naniniwala na ang relasyong LDR eh posible. Biruin mo 'yon, puro pacute lang kami dati sa isa't isa pero ngayon, magdadalawang taon na kaming magkakilala <3 at magdadalawang taon na din kaming magPPBB teens. Hahahahaha.
Wala lang...









