Actually, natatawa ako sa inspiration ko for writing this story. Haha! Bakit? Mamaya.
First epistolary novel ko po ‘to. After ko kasi mabasa ‘yung 23:11 ni Ate Rayne Mariano a.k.a. Pilosopotasya, na-inspire po akong sumulat in a different style. At first, akala ko madali lang sumulat ng epistolary, pero kaloka lang... di pala! Mahirap sya mga te! Huhu! Paano naging mahirap? First, kagaya nung sinabi ni Ate Rayne, mahirap sya in the sense na dapat hindi magmukhang scripted ‘yung chat. Dapat may mga details na hindi klaro, for short --- kasi nga, chat ‘yun. Second, ang hirap maghanap ng topic of the day para sa mga characters. Kaloka! During kasi may ka-chat o ka-text ako, I always let the other party look for a topic. Tamad akong maghanap ng topic na pag-uusapan. Pero para sa kwentong ‘to... well, kakayanin.
Now, balik sa intro ko. Aaminin ko, sorry, I lied. The names are not purely coincidental, like what I said sa Author’s Note ko. I turned my name (Hannah) into Jannah; my crush’s second name is Erick, with a different spelling; and my closefriend, who is our mutual friend, her second name is Isabela, which I shortened to Yssa. And obviously, ‘yung crush ko ang inspiration ko sa story na ‘to. *lol* I wrote this dahil sobrang dami na ng “what if’s” sa isipan ko about me and him (Hay nako!). The sad truth, hindi nya ako kilala. Friends kami sa Facebook, pero personally, hindi nya ako kilala. #sadlife
Gwapo, magaling sumayaw (sobra --- saw him dancing live already), former cosplayer, K-popper (gaya ko, kaya ko sya nakilala), pero isa rin palang “boy maoy”... ‘yun ang pagkakilala ko sa kanya after stalking him for months (sshh!) in Facebook (Well, it’s basically how I presented Erick in Knowing You also.). Sino ba namang hindi magkaka-crush kung ganyan ‘yung tao di ba? At dahil dyan, gusto kong magkaroon kami ng connection personally, pero at the same time, ayaw ko. Bakit? Dahil natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Pwede ko namang gamitin ‘yung mutual connection namin (si Yssa) to reach out to him, pero ayoko talaga. Mas nangingibabaw ‘yung takot ko. Hindi nyo naman siguro masisisi kung ganito ako lalo na’t sobra akong nasaktan sa “past” ko. Kaya naman, mas pinili ko na lang syang isulat. Sa story na ‘to, nagkaroon ng personal connection sina Jannah at Erick, na baka hindi mangyayari sa tunay na buhay. Atleast, sa story na ‘to, makakapili ako ng sarili kong ending; hindi gaya sa totoong buhay, kung saan pwedeng ang hindi mo gustong ending ang mangyayari. Atleast, kung masasaktan man si Jannah sa story, konti lang ‘yung epekto sa akin dahil alam ko namang fiction lang ‘yun.
“Knowing you is the best and worst thing I ever had in my life.”
Kung ano man ang ibig sabihin sa quote na ‘yan na nilagay ko sa story description, at kung saan man patungo ang kwentong ‘to... tignan na lang natin sa mga susunod pang chat convos nina Jannah at Erick.