Usapang future
Matagal ko na gustong ipost to pero as usual, nariyan an naman si hesitation kung kaya hindi ko naman maipost ko ito kaagad. Maraming "something" na gusto kong ibatid tungkol dito at ngayon ko pa lang siya isusulat.
Siya ay kasalukuyang tinatahak ang kursong Batsilyer ng Agham sa Pagtutuos o BS Accountancy for short. Yan na talaga yung kursong naka-mindset sa kanya dahil ito raw ang pinakamagandang business course na tatahakin ko. Pumasok ako sa course na ito na ang tanging alam ko lang sa accounting ay PERA PERA PERA. Marami na siyang napagdaanan pero narito pa rin hinahawak pa rin ang minimithing pangarap na yan. May mga times na ngang pinaiyak siya o kaya naman pinasaya sa bawat pagsubok na tinatahak sa course na ito. Mahirap pero kung gugustuhin mo, makakayanan mo.
With regards sa future after graduation in 2015 or 2016 hopefully, syempre gusto niya na magreview at magtake ng CPA board exam kapag ready na siya. Maraming random thoughts kung ano ba talaga gusto niya. Ngayon na nagtetake ako ng Business Law 1, gusto niyang maging isang lawyer o kaya naman maging isang manager. Pero gusto ko talaga na magtake ng Master's Degree after ng CPA Board. Minsan nga halos navivisualize ko na nakasuot ako ng corporate attire na nakikinig o kaya naman nagsasalita sa meeting. O kaya naman nagtatalumpati at naghahatid ng inspirational message sa mga taong gustong sumunod sa kanyang yapak. Naks!
Pero isa pa ito sa mga nagsisink-in sa utak ko, kukunin na raw ako nila tita sa Australia at doon na ako mag-aaral ng Master's Degree at doon na magtratrabaho. Pero as usual, mahirap din palang iwanan ang Pinas pero minsan gusto mo nang umalis dahil feeling mo walang nagyayaring pagbabago. Well, hindi pa siguro maayos kung ano pa talaga daan yung tinatahak ko. Hindi ko pa alam kung ano nga ba ang mangyayari after neto. Pero malaking pasasalamat ko kila tita kasi kung wala sila, wala na sigurong Hans na nagpupursige hindi lamang sa kanyang mga magulang at kapatid, pati na rin sa kanyang mga tita na nagpatuloy sa pagsuporta sa kanya at naniniwalang may kakayahan siya.
MAKAKARATING DIN AKO DIYAN, TIWALA LANG SA PANGINOON AT SA SARILI! SALAMAT SA LAHAT!









