“Tulad nga ng sinabi ng aking guro ko ngayong araw ay magkakaiba tayo ng perspektiba. Hinding-hindi tayo magkakaintindihan sapagkat magkaiba ang ating pinaniniwalaang sitwasyon.”
seen from United States
seen from Canada
seen from China

seen from United States

seen from United States
seen from Malaysia

seen from Ireland
seen from Türkiye

seen from France

seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from Russia

seen from United States
seen from France

seen from United States
seen from Sweden
seen from Netherlands
seen from Malaysia
“Tulad nga ng sinabi ng aking guro ko ngayong araw ay magkakaiba tayo ng perspektiba. Hinding-hindi tayo magkakaintindihan sapagkat magkaiba ang ating pinaniniwalaang sitwasyon.”
Harurot ni Manong Tsuper
Siyempre, isa ako sa mga estudyanteng nagcocommute papasok sa Sintang Paaralan. At sa araw-araw na pagbibiyahe ko, may nakakasalubong akong mga suliranin. Mula sa Lrt (lalo na yung mga machine), Pag-ulan ng hindi inaasahan at mga jeepney driver. Dahil sa kanila may mga nakasalamuha akong mga taong galit na galit, iritang-irita at nanlilisik na mga mata na nakatitig sa mga walang pakialam na “dyipni drayber”.
Noong nakaraang araw, pumara ako sa isang jeepney na parating. Tumigil siya sa gitna ng daan. Nang pasakay na ako, may babae (matanda na) at may kasamang isang bata.Nang pag-abot ko sa hawakan, bigla syang humarurot. Napakapit ako ng mahigpit at akala ko mahuhulog na ako. Ito ang kinaiinisan ko sa mga drayber ng jeep. Hindi ko alam kung gusto ba nilang kumita o di kaya’y makulong. Hindi ba nila iniisip ang mga taong sasakay sa jeep?
Ngunit may mga pagkakamali rin ako sapagkat hindi ko iniintindi ang kanilang sitwasyon. Paano kung sadyang hindi niya ako nakitang pumara dahil may pababa lang talaga doon sa kinalulugaran niya? At nagkataon namang pasakay ako at iniba ang tingin sabay harurot. Tulad nga ng sinabi ng aking guro ko ngayong araw ay magkakaiba tayo ng perspektiba. Hinding-hindi tayo magkakaintindihan sapagkat magkaiba ang ating pinaniniwalaang sitwasyon.
Biyaheng Langit
Naranasan mo na bang sumakay sa jeep na may na driver na atat na atat sa pagmamaneho? Yung feeling nasa F1 racing siya at hari siya ng kalsada. Biruin mong lumilipad na buhok mo sa sobrang bilis ng patakbo at nakakapit ka nang mahigpit sa hawakan kasi feeling mo biyang langit ka na? Yung eto yung mga bagay na tumatakbo sa isip mo:
Syet, pagbaba ko ba rito, naghihintay na si San Pedro?
Ang daming pagkakataong inimagine ko yung pagkamatay ko, lahat may class - nalalaglagan ng studio lights habang nagmomodel sa shoot, nagsakripisyong idonate yung puso ko para mabuhay yung mahal ko... tapos eto pala labas ko? Madededo sa loob ng jeep? Punyeta!
Walang hiya, hindi pa ako nakakaamin sa crush ko...
Sobrang daming ganitong jeepney driver sa Maynila ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Alam kong late ako lagi pumapasok at mas okay yung mabilis - mabilis ang andar, mabilis din ang dating... Pero manong drayber naman:
GUSTO KO PANG MABUHAY!
#Harurot! 📹😎🚙💨 (at sa Lansangan )