Matutuwa ba dahil patapos na hell week o mababaliw dahil tambak ang requirements para sa finals? :))) :pp

seen from Türkiye
seen from Türkiye
seen from Maldives
seen from Türkiye

seen from Yemen

seen from United States
seen from United States

seen from Türkiye
seen from United States

seen from Singapore
seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Hong Kong SAR China
seen from Netherlands
seen from India

seen from Türkiye

seen from India
Matutuwa ba dahil patapos na hell week o mababaliw dahil tambak ang requirements para sa finals? :))) :pp
All I want by the end of this sem are decent grades and sleep. IS THAT TOO MUCH TO ASK???!!!
NEVER GIVE UP shirt.
Siguro naman nakakita na kayo ng t-shirt na ito? (Papalayasin ko kayo sa Pilipinas kung hindi.)
Mula nang magsimula ang taong ito hanggang sa kasalukuyang panahon na isinulat ko ito, nakailang beses na akong nakakita ng mga taong nakasuot ng "NEVER GIVE UP" na t-shirt. Sa SM, sa park, sa simbahan, sa Ateneo, sa Culiat Elementary School, sa HIMC, sa jeep - kahit saan lagi't laging may iisang tao na may suot nito. Sa tuwing nakakakita ako ng taong may suot nito, napapaisip ako kung bakit niya naman naisipan bilhin iyon. Hindi ba niya namamalayan na sa isang araw ng paglalakad-lakad niya, at least pitong tao (oo, pito. binilang ko kanina noong umalis ako sa bahay.) na makakasalubong mo ang makikitaan mong may suot ng t-shirt na ito. Hindi ba siya medyo naiilang na may kapareho siya ng damit, kaso magkaiba lang sila ng kulay siguro (at kelan pa ako naging fashion-conscious)? Saan ba nanggaling ang t-shirt na ito at bakit ba ito naglipana ngayon? Ito na ba ang pambansang t-shirt natin???
Habang nagrarant ako kanina sa kapatid ko tungkol sa kung gaano na ako kinukulang sa tulog dahil sa dami ng ginagawa namin sa school ngayon at sa kung gaano na napupuno ang stress levels ko, nakakita ako ng isang tindahang nagbebenta ng mga "NEVER GIVE UP" na t-shirt. Pagkadami-daming NEVER GIVE UP na t-shirt. NEVER GIVE UP na blue, NEVER GIVE UP na green, NEVER GIVE UP na black and white, NEVER GIVE UP na red written in gold, bold letters atbp.
NEVER GIVE UP. NEVER GIVE UP. NEVER GIVE UP. Nakakasawa na.
Ngunit sa pagpapatuloy namin sa paglalakad, nakakita ako ng isang lalaki na may suot na ibang shirt.
Siyempre ako naman sa isip ko "Wow kuya. Naiiba ka sa lahat ng nilalang. Time to give up naman ang peg mo. So sumuko ka na?"
At bigla akong natauhan. NEVER GIVE UP. 'Wag sumuko. Mula nang magsimula ang taong ito hanggang sa kasalukuyang panahon na isinusulat ko ito, ilang beses na akong na-stress, napuno, bumigay, naiyak at sumuko. Kahit noong pang nagsimula akong nagkamalay sa mundong ito, paulit-ulit na akong sumuko. Hindi lang din pala ako. Lahat din ng tao ay nadapa na at sumuko. Paulit-ulit na na nakakasawa na. Kaya dito na pumapasok ang NEVER GIVE UP. 'Wag susuko. Paulit-ulit. Basta NEVER GIVE UP. Dahil hanggang sa nabubuhay pa tayo, posible pang mangyari ang lahat. Maaari pa tayong sumubok ulit hanggang sa tayo ay magtagumpay. Because the only time we can actually give up is when we're dead. Lahat tayo ay dadaan sa pagkabigo dahil nabubuhay pa tayo.
Mababa ka sa Physics/Chemistry/Biology/whatever exam? NEVER GIVE UP. Aral-aral, dre. Brokenhearted? NEVER GIVE UP. Many many more fish in the sea ('wag ka nga lang mag-'go fish' agad, dre. Chill. Heal.) Nawalan ka na ng self-confidence? NEVER GIVE UP. Rebuild. Nasstress ka na talaga sobra na hindi ka na natutulog? NEVER GIVE UP. Kalma. This too shall pass. Alone? NEVER GIVE UP. Andyan Siya, 'wag kang mag-alala. Time to give up daw? Well, well, well...NEVER GIVE UP.
Siguro paulit-ulit akong nakakakita ng NEVER GIVE UP na shirt kahit saan ako pumunta kasi ipinapaalala at patuloy na ipapaalala ng mundo nang paulit-ulit na NEVER GIVE UP. Patuloy na dadaanan ka ng mga paalalang ito kahit saan ka pumunta, minsan in golden bold letters talaga para mapansin mo. Dapat nga ata isabatas ito bilang pambansang t-shirt hahaha. Feeling ko kailangan din ito ng Pilipinas. :)))
Kaya dun sa henyong nagpakalat ng t-shirt na ito at sa mga taong patuloy na nagsusuot nito (special shoutout sa NSTP kid ko ;>), salamat sa paalala. NEVER GIVE UP din. :)
NEVER GIVE UP. NEVER GIVE UP. NEVER GIVE UP forever (titigan ang shirt ulit).
Good morning, Tumblr!
Still up because of the reaction paper. Eto na ang pinakamahirap na reaction paper na ginawa ko sa talang buhay ko. Huhu. Sayang at 'di ko rin pala matatapos. Dapat nag-aral nalang ako sa Math 11. Tsk.
Kaya sa mga pumasa ng UPCAT, maghanda handa na kayo. UPCAT pales in comparison sa mga quiz sa UP. Quiz palang 'yun ah. Minsan nga pati seatwork mahirap e. Tapos you have your requirements pa. 'Pag toxic ang prof, lagot na. LOL. Pero ayos lang 'yan, you have roughly 3 months to prepare. Mind-setting!
Oh sya, tulog na kayo mahimbing. Itulog nyo nalang ako ah? :(