Dapat marealize mo na kapag nagmahal ka, may tsansa na baka ‘di ka mahalin pabalik. At masakit ‘yon. Pero parte yun ng buhay. Hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin. Hindi din sa lahat ng pagkakataon, aayon sa atin ang buong paligid natin. Kaya dapat handa kang sumugal. At tandaan mo, sa sugal, may nananalo, may natatalo -- lahat ‘yan depende sa’yo, sa pagkakataon, sa paligid mo at sa ibang tao.









